Dapitan

177 9 0
                                    

Sumasayaw ang kurtina,
Sa isang maliit na silid-
May babaeng nakahiga sa kama,
Subalit naglalakbay ang isip.

Makulimlim ang paligid,
At sumasayaw ang mga puno,
May paparating na ulan,
At nahuhulog ang mga dahon.

Hindi niya nakaligtaan ang lahat,
Kahit ang layo na ng narating,
Mula sa mumunting awit ng mga ibon,
Hanggang sa ugong ng mga sasakyan.

Ilang buwan naba magmula noong-
Napadpad siya sa siyudad na ito?
At tila kay bilis ng panahong-
Napaamo sa taglay nitong misteryo?

Kung ano pa ang ayaw sa umpisa,
Ay siya pang mahirap lisanin 'pag nasanay,
At isang araw, nakinita na niya-
Ang mangulila sa pansamantalang bagay.

Ang hampas ng mga alon sa dagat,
Ang matatayog na kahoy at bundok,
Ang makalumang mga gusali,
At ang bulong ng hanging umiihip.

Tila nag-iisa ang lugar-
Kahit abala ang lahat,
Kagaya ng kanyang pagkatao,
At nagwawalang puso.

Dala ang kasaysayan-
Ng mga digmaang napanalunan,
Ngunit mahiwaga kung bakit-
Nanatili kahit pa sa sakit?

Siguro dahil sa isang tao,
O ang pakiramdam nito,
Malinaw ngunit malabo,
Malapit ngunit malayo.



087
Dapitan
01/26/23
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora