Patawad

156 13 2
                                    

Patawad kung nasaktan kita,
Patawad sa mga masasakit na salita,
Patawad dahil sumuko din ako sa pagsuko mo,
Patawad dahil hindi ko napanindigan ang aking mga pangako.

Ang sakit na kasi-
Ang sakit na ang bawat pagkakataon pinapalampas,
Ang sakit isipin na magagawa mong tumalikod,
Ang sakit gawin dahil hindi ko kayang lumimot.

Sa bawat salita,
Sa mga desisyon mong hinusga,
Sa pagkakamaling inuulit-ulit pa,
Sa kahapong hindi na maiiba.

Hindi ko na kinaya,
Nagsabay ang pagdududa't pag-aalala;
Pakiramdam ay mawawasak na-
Kung ipagpapatuloy pa ang sugatang pagsinta.

Nagkamali ka,
Nagkamali tayong dalawa,
Gusto lamang bigyan ang sarili ng halaga,
Dahil halos lahat ay naibigay ko na.

Patawad dahil ganon ako,
Patawad dahil umasa ako nang mas higit pa sa kaya mo,
Patawad dahil hindi ko tinanggap ang buo mong pagkatao,
Patawad dahil humantong tayo sa sitwasyong ito...
Patawad.



062
Patawad
06/24/19
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now