Hindi Kaya

159 11 4
                                    

Ngayon ay mas dama mo na-
Hindi ka nagkaroon mi-isa,
Ng taong tunay na nakakaunawa,
Dahil kahit sarili mo'y nililisan ka.

Madalas tulala sa blankong pader,
O sa bintana, o sa papel,
Nakakulong sa iisang silid,
Subalit naglalakbay ang isip.

Ano ba talaga ang buhay?
May kahulugan ba ito o halaga?
Tila nakabisado na ito ng iba,
Habang ikaw ay nangangapa pa.

At sino man ay hindi makakaintindi,
Dahil ang iyong lalim ay hindi mararating,
Kaya hinahayaan mo nalang ang hindi maunawaan,
Dahil walang tamang salita ang maglalarawan.

Sawing napapatingin sa salamin,
Kung ang repleksyon ay maaaring hatakin,
Isang tulad mo'y hinihiling, hinahangad,
Subalit sino naman ang tutupad?

Sana may isa man lang sa mundo,
Ang gigimbal sa iyong pagkatao,
At masaya kang guguho,
Dahil ito ang nais mong delubyo.

Sa huli, bumubulong nalang sa sarili,
At napapasabing 'hindi na bale',
Lahat ng hiniling ay hindi nakarating,
At lahat ng dumating, hindi kaya ang 'yong dilim.



081
Hindi Kaya
01/14/23
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now