Ang maganda dito sa bahay na'to ay may sarili ding kusina kaya 'di namin kailangang pumunta sa main, pero nadismaya ako nang makitang walang laman ang water dispenser at ang ref. Kailangan ko pa pala pumasok sa palasyo.
Napailing ako at dumiretso sa labas at napapayakap nalang sa sarili nang maramdaman ang lamig kahit naka oversized shorts at t-shirt na ako. Anong oras naba? mga alas dos? Alas tres?
Lamig ang sumulubong sa'kin pag bukas ko ng pintuan. Yakap yakap ko ang sarili habang lakad takbo ang punta sa palasyo.
Buti nalang at may pintuan sa may kusina na pwede kong pasukan—lahat kasi ng pintuan dito ay naka lock at ang pintuan sa kusina lang ang nag iisang pinto na smart keyless. Ang password ay iniiba bawat buwan.
Napahinto ako nang may narinig na ingay galing sa loob kaya napakunot ang noo ko at sumilip sa bintana. I gasped. Seeing a guy in all black, with a ball cap at face mask na nakayuko sa ref at may hinahalungkat.
Magnanakaw!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan. Anong gagawin ko ngayon? Napatingin ako sa isang bahay na malayo, ang bahay kung san tumutuloy ang mga agents. Tatakbo ba ako papunta ron?
Napabalik ang tingin ko sa lalake na sinarado ang pintuan ng ref kaya nawala ang ilaw at ang buwan nalang ang nagsisilbing liwanag sa dilim. Baka pag tumakbo pa ako sa security house ay makakatakas na siya!
With my drumming heart, kinuha ko ang isang walis sa gilid at dahan dahang tinype ang passcode. Bigla ko itong binuksan at alam kong nagulat ang magnanakaw sa presensya ko.
"Shit!" Mura nito nang makita akong tumatakbo, and before I got close, tinapon ko sakanya ang dalawang tsinelas ko sunod ang walis, "What the fuck?!"
He cursed out loud at napahawak sa mukha niyang natamaan ko, and I know this is totally out of the blue pero bakit ang swabe ng boses niya?
"Ahhhhh!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, nang sakyan ko siya sa likod para pigilan siyang tumakbo. Pinulupot ko sa bewang niya ang mga paa ko at sinakal ang kanyang leeg, "Magnanakaw!"
Tumili ako at alam kong rinig yun sa buong bahay. Habang pa gewang gewang kaming dalawa at natamaan ang kung ano ano— tumama kami sa isang cabinet at ako lang ang napa igik sa naramdaman, ininda ko ang sakit sa likod ko habang hawak hawak niya naman ang braso kong naka sakal sa leeg at bibig niya.
Maya maya lang ay nagulat ako nang makarinig ng isang alarm. An alarm that would surely wake the whole house. Isa isang bumukas ang mga ilaw at maya maya ay may mga agent na naka cargo shorts and shirt ang pumunta rito at tinutok sa'min ang mga baril.
"Mmm!" Sigaw ng lalakeng hawak ko pero di ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
And then something unexpected happened. Nararamdaman ko nalang na nahuhulog kami, face up, and that meant nasa ilalim ako.
Parang slow motion ang lahat, nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng lahat at sumisigaw sila ng mga hindi ko maintindihang salita. Nananlaki ang mata ko habang natutumba kami at nakayakap parin ako sa lalake.
Pag landing ko sa lapag ay parang kinuryente ang katawan ko sa impact. I immediately felt the pain from my hips, my back, and my head. Idagdag pa ang bigat ng mamang ito, who freaking weigh like fucking tons! Thank you nalang sa rug na nakaligtas ng isang porsyento ng hulog ko.
"Putangina."
Napangiwi ako at napansin kong tumatakbo na pababa ang magkakapatid na Del Valle, nagulat pa ako nang dumating si Sir Archie na may dala pang baril.
The guy I was still holding with my thighs sat up, minamasahe ang mukha niyang tinapunan ko ng walis.
Di ko ata kayang tumayo, napadaing nalang ako, "Gago kang magnanakaw ka."
"Sir?"
Napabaling ang tingin ko nang magsalita ang isa mga agents nang tawagin niya ang lalakeng nasa harap ko, sabay baba ng baril. Tumingin ang agent ng masama sakin. Anong ginawa ko? Tumutulong lang naman ako!
"Kuya?" Tawag ni Jane sa lalakeng nakayuko at minamasahe ang leeg. Shit. Kuya?
Nananlaki ang mata ni Jamie sa akin, "Scarlet, he's not a thief."
Nanlaki ang mata ko at nang marealize ko na ang aking kamalian, marahas na hinubad ng lalake ang kanyang face mask at cap.
"James." Tawag sakanya ni Sir Archie at mas nagulat ako nang naiinis siyang tumingin sa'kin at biglang nanlaki ang mata nang makita na ako.
My legs immediately slacked from tightly holding his hips.
In about six million James in the world, bakit siya ang nandito?!
(灬º‿º灬)♡
ESTÁS LEYENDO
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 10: James
Comenzar desde el principio
