Kinabukasan, maaga kami nagising dahil may kaganapan agad na naka-schedule ang pamilya. Sa isang linggong selebrasyon na mangyayari, unang araw palang ay mabigat na ang gawain.
Ngayong araw, nagho-host sila ng event para sa isang orphanage. Mukhang ilang taon na nilang ginagawa 'to, mula nung buhay pa mommy nila.
Lahat kami ngayon ay nasa isang event space malapit sa mansyon at katabi ng dagat. Kahit nasa loob ako ng van, rinig at amoy ko ang tubig dagat.
Naglakad ako buhat ang isang malaking kahon. Ang mga buhok sa tali ko ay tumatakas sa lakas ng hangin, at ang mga buhangin na tinatapakan ko ay nasasabik na pumasok sa aking sapatos.
Sigaw at tawa ng mga bata ang naririnig sa buong lugar at hindi ko mapigilang mapangiti. I see the children and some teens run through the smooth cement floor.
"Ang cute." Rinig ko si Tinang habang sinasabayan niya ako sa bilis ng paglalakad.
Ang eventspace ay nasa gitna ng malawak na buhangin, ang mga poste ng kahoy sa magkabilang gilid ang nagsisilbing pundasyon sa mga nakataling puting kurtina na sumasayaw kasabay ng hangin.
"Ugh." Napaigik ako ng mailapag ko ang malaking kahon na naglalaman ng mga egg sandwich. Kanina pa kami pabalik balik para ayusin ang meryenda at pagkain nila para sa tanghalian.
Inayos ko ang buhok, gym shorts, at ang damit namin na magkakapareho—isang t-shirt na navy blue para mabilis kaming makita kung may kailangan ang mga bata o ibang staff.
Nagpupunas ako ng pawis at napatingin sa langit. The weather was perfectly sunny, at nakikisayaw rin ang mga puno ng niyog na nakapaligid sa'min. "Ang sarap ng hangin."
"Anong lasa?" Ngisi ni Tinang habang naglalakad pabalik sa van at napaikot ako ng mata sa biro niya.
"Sarap... mauna ka na, sandali lang." Hinubad ko ang sapatos habang nakaluhod para tanggalin ang mga nakapasok na buhangin. Maling desisyon na nag sneakers ako ngayon.
Napatingin ako sa paligid. May mga regalong naka balot, nakasalansan na parang tore sa kabilang banda. Katapat non ay ang lamesang pinaglagyan namin ng pagkain. Ang mga staff ay nakabantay sa gilid, at ang mga bata at magkakapatid na Del Valle ang nakapwesto sa gitna.
"Handa na ba kayo?" Kung hindi ko siya narinig, hindi ko iisiping si James ang host sa gitna na nakasuot ng pulang clown wig.
The arm holes of his navy blue shirt were cut, showcasing his biceps and side muscles as he held the microphone. Si Jamie, boyfriend niya na si Gabriel, at Jaceon lang ang kasama niya rito. Nakapwesto sila sa magkabilaang gilid niya, tinatawanan ang ginagawa ng mga bata at kapatid nila.
To think na tinuruan niya ako kahapon bumaril, tapos ngayon naging children's entertainer siya.
"Oh! Maglalaro na tayo ngayon ng bring me ha. Kung sinong unang makakabigay sa akin ng hinihingi ko, ang unang makakapili ng regalo dito sa gilid." He points at the stacks of gifts. "Ready na ba kayo mga 'tol?"
Nagsigawan ang mga bata pero nagsalita si Jamie ng pabiro, "Hindi ko kayo marinig."
Mas lumakas ang sigawan at kahit nasuot ko na ang sapatos ko, hindi ako makaalis sa tuwa ng kakapanood sa kanila.
"Osige sige, makinig." Tinaas ni James ang kamay niya at inikot ang tingin sa lugar. "Bring me... uban!"
Nagsisigawan ang lahat at hindi ko napigilan ang tawa ko nang may isang matandang lalakeng nakaupo lang pero nasasabunutan na ng mga bata.
"Krissa, kahit isang piraso lang naman. Sinong sinabunutan mo at ang dami niyan?" Tawa ni James nang dumating ang batang babae sa harap niya. Tumuro ito at nakita ko ang isang staff ng orphanage na tumatawa nalang sa gilid at hinahawakan ang anit.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
