Strings 13: Suspicious

162 11 0
                                        

"Nakauwi na po ako!" Sigaw ko pag pasok palang ng bahay habang bitbit ang dalawang paper bag ng groceries na binili ko para sa bahay. 

Inikot ko ang paningin sa bahay habang hinuhubad ang sneakers na suot bago pumasok. Ba't parang wala nanamang tao? 

"Ate Beauty? Naaaa?"

"Scarlet?" Rinig kong sigaw ni Ate Beauty sa labas kaya naman dumiretso agad ako sa kitchen cabinet para ayusin ang mga nabili ko.

Nang buksan ko ang cabinet, nagulat nalang ako nang makitang fully restocked na ito, "Oh?"

"Scarlet!" Bigla akong napalingon nang pumasok si Nana galing sa likod, madumi pa ang kamay, halatang inaasikaso ang mga halaman niya. "Scarlet! Kailan ka dumating? Ikaw lang mag isa?! Dapat di ka basta basta umaalis!"

"Hindi naman po sila strikto sa pag aalis ko, tsaka nagpaalam naman ako. Bumili na po pala kayo grocery?" I scanned the cabinet at nakitang may laman na ito kaya napatango ako, pero nang binalik ko ang tingin kay Nana ay kinakabahan siyang nakatingin sa'kin, "Na?"

"A-ah, nagsasampay si Ate Beauty mo anak. Nasa labas siya." Naghugas siya ng kamay at lumingon sa'kin, "Hindi ka dapat basta bastang lumalabas ng mag isa. Malapit na gumabi, delikado ang daan."

"Grabe naman kayo Nana parang 'di ko gawaing umuwi ng gabi pagkatapos ng klase dati." Ngumisi ako sa kanya at nilabas ang sobre na makapal, tiningnan ko si Nana at inabot 'yun sa kanya. 

Alam niya na kung para saan 'to, "Kakatanggap ko lang ng suweldo ko kaya bumili po ako pang grocery. Aayusin ko lang to bago babalik na ho ako."

Matagal siyang tumitig sa sobre at nag aayos lang ako ng mga nabili ko habang nakatingin sa kanya sa gilid ng aking mga mata. Hinihintay ko ang mga salitang alam kong sasabihin niya, "Hindi mo naman to kailangan gawin anak eh."

Isinara ko ang mga drawer ng cabinet, at inilagay ang mga plastik sa isang hiwalay na drawer na puno nito, "Na, napag usapan na po natin 'to."

Matagal siyang nakatitig sa'kin, "Scarlet." 

"Po?" I sighed before facing her, ito nanaman tayo.

"Hindi mo kailang ibigay sa'kin ang ganitong kalaking halaga, gamitin mo na sa sarili mo dahil may benta naman ang tindahan." Binabalik niya 'yung sobre pero hindi ko 'yun tinanggap.

"Nana, hindi ko naman po 'yan magagamit sa sarili ko dahil wala naman po akong pang gagamitan." Dumiretso na ako sa daan kung saan ang kwarto ko para huminto na si Nana. This will be a never ending discussion.

"Para sa pag aaral mo!" Mukha na siyang nag mamakaawa sa'kin and I was so frustrated, why can't she just accept this? "Scarlet." 

"Po?" Nagsimula na akong maglakad palayo kasi ayaw kong nakikitang nakatingin si Nana sa'kin ng ganito.

"Anak, hindi ito ang gusto ng mga magulang mo sayo." Napatigil ako at mabilis na lumingon kay Nana, nahulog ang mga panga ko. 

After all these years, she chooses now to mention my non-existent parents. She looked so heartbroken but I gently shook my head and my face got almost purple with discomfort. I chose to ignore this, and whenever this topic of conversation was brought up, I only wanted to run away immediately from the spot.

"Sila dapat ang gumagawa ng gusto nilang mangyari Nay." Nana's acting like it's the end of the world just because I temporarily stopped my acads. Jusko naman.

At kung gusto pala ng birth parents ko na hindi ako maghirap sa mundong ito, edi dapat hindi na nila ako binuhay.

Pumasok ako sa kwarto ko na katapat lang ng kusina at nilock ang pinto, baka sakaling puntahan pa ako ni Nana dito sa loob. 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now