Strings 27: A Del Valle

163 7 0
                                        

"King, you got the pack secured?"

Nagising ako sa boses ni James.

"Do not let Jamie go anywhere else without Valdin."

Tumingin-tingin ako sa paligid. Napagtantong nakahiga ako sa sofa, may nakapatong na kumot sa akin, at may kandila sa tabi ko.

Nag-uusap kami ni TJ isang minuto, at sa susunod na minuto, nagising na ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"The fallen agents?" 

Tumayo ako at sinundan ang boses niya. Nasa labas siya, sa backyard.

Sinusubukan niyang manatiling tahimik, ngunit naririnig ko pa rin siya dahil tahimik ang buong bahay.

"No. We'll alert their family first. No press."

Tinitigan ko si James. Hawak niya ang radyo habang kausap ang tao sa kabilang linya, tinatago ng dilim ang kanyang mukha.

Pero nakikita at nararamdaman ko siya.

He looks troubled... Sad.

Hindi sumagi sa isip ko na lubha siyang magiging apektado sa kung ano man ang nangyayari. The fallen agents, as he called them, were his colleagues.

Nakatayo ako sa may pintuan nang tumingin siya sa direksyon ko.

"I'm sorry. Did I wake you up, baby?"

Kinilabutan ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Baby. Kapag naririnig ko 'to, ang corny. Masyadong cliché... However, that was before Timothy James Del Valle used it lovingly.

Nang matapos sa kausap ay naglakad na siya palapit. Hinila niya pataas ang damit kong nahulog sa isang balikat, at hinaplos niya ang leeg ko.

Umiling ako at hinayaan ang sariling mamula sa pinanggagawa niya. 

"Nakatulog ako." Hindi naman ako nagtatanong, nagulat lang na nakatulog ako sa kondisyon naming 'to.

"Yes, you did." Hinila niya na ako papasok, sabay kaming naglakad pabalik ng sala.

"Anong ginawa mo habang tulog ako?"

"I was watching you."

Napatigil ako sa paglalakad. "You watched me?"

Tangina niya dahil ang dali niyang sabihin ang mga ganyan. Kung ako 'yun, hindi ako aamin.

Umupo siya sa sofa, inilayo ang radyo sa kanya, at huminga ng malalim. Sa sandaling ito, nakikita ko ang pagod na hindi niya ipinapakita sa publiko. It's on the faraway look in his eyes, the slight downward turn of his lips, and the furrow of his forehead.

Tumayo ako sa harap niya, my body snaking in between his legs, "Are you okay?"

Tumingala siya sa akin. Ang kanyang gintong mga mata ay puno ng kalungkutan.

I hope to take that away from him.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo. Nang lumayo ako, nakita ko siyang nakapikit na para bang nilalagay niya sa alaala ang halik ko.

Gumalaw siya para yakapin ang bewang ko, at ramdam ko ang hininga niya sa nakalantad na balat.

"I'm glad you're with me." Bulong niya.

Hindi ko napigilang haplusin ang malambot niyang buhok habang sumasagot, "Me too."

Huminga siya ng malalim at niyakap ako ng mahigpit. We were in that position for a couple of minutes... then he turned to peck my belly button, pecking different parts of my stomach, from the top of my shorts to the underside of my bra. 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now