Pakiramdam ko naging slow motion ang lahat.
Iginulong nila si James patungo sa emergency area, ang doktor naninigaw ng mga utos, at ang amoy ng antiseptic ay ibinalik ako isang buwan na nakalipas—When Nana was the one on her deathbed.
It makes the situation shitty because now I'm begging. I pray to all saints that he doesn't succumb to that eternal sleep like she did.
Hindi mapigil na hikbi ang lumalabas sa aking bibig. I try to imagine he's going to survive this but an image of him closing his eyes bursts into my mind, him saying I love you like it's his last goodbye.
"Hindi pwede." Iyak ko.
"He'll survive." Napalingon ako kay Allan. Kanina lang ay may tinatawagan siya para magpadala ng mas maraming security personnel dito sa ospital. "He experienced much more horrendous things than this."
Tumango ako habang pinupunasan ang luha ko, "He will."
At patuloy pa ba niyang mararanasan 'to? Palagi ba kaming mabubuhay sa nakakatakot na pangyayaring ganito?
Lumipat ang tingin ko kay Jaceon na nakaupo, nakasandal ang mga siko sa tuhod habang nakatingin sa sahig. Nasa ibang mundo ang isip niya.
Naalala kong hawak niya ang baril kanina. James told me before that his brother was better at firing guns. But I bet firing it at shooting ranges is different from firing it in real life and at real people... and I know how that feels.
It's like adrenaline, fear, and guilt mixed up together.
Bumili ako ng kape at nagpasalamat sa mga tao dahil umalis sila agad at pinauna ako. Mukha siguro akong kawawa.
"Here."
Umangat ang tingin ni Jaceon sa'kin nang inalok ko ang kape na binili.
"Thanks." His voice was groggy. Naaalala ko ang pagtakbo niya sa labas ng kotse para magmakaawa, na igilid ng mga tao ang kanilang sasakyan para ipadaan ang kotse kung saan naglalaman ang kapatid niyang malapit nang bawian ng buhay. Walang tao dapat ang makaranas ng ganoon.
Umupo ako sa tabi niya. "He will be fine." He has to be.
Tumango siya.
Niyakap kami ng katahimikan, tahimik na umiinom ng kape si Jaceon, habang binibilang ko ang oras na lumilipas.
Every tick of my watch makes my foot shake harder, but it's the only thing that distracts me from crying.
Crying makes my head hurt, and I want to have a clear head when the doctors go out.
Sunod sunod na hakbang ang narinig ko sa malayong banda, at nang papalapit na ang tunog ako napalingon. Namuo ang luha ko nang makita ang buong grupo ng mga tao na naglalakad, lahat naka suot parin ng formal attire.
"Ate." Tumayo si Jaceon habang si Jamie ay tumatakbo para yakapin siya ng mahigpit, sinundan ni Jane ang kanyang ate.
Nanggaling sa party ang mga tao rito. Ethan, Evan, Rossana, Gabriel, Kuya Jupiter, and Hera.
Naka-standby sa gilid sina Christian, Vernon, Allan, at iba pang agents. Nakatingin sa akin ang dalawang bodyguard ko, mga mukha'y nagtatanong kung kamusta ako, at wala akong maisagot sa kanila... I'm sure all my face reflected was pain.
"Red..." In-occupy ni Rossana ang dating upuan ni Jaceon at niyakap ako. Ang init niya ay paalala na nanlalamig ang katawan ko. "Kamusta ka?"
Umiling ako at niyakap niya uli ako. Pabalik-balik na hinihimas ang mga braso ko para magkaroon ng init.
Si Hera at Kuya Jupiter ay nakatayo sa likuran ng grupo, nang sumalubong ang mga mata namin ng pinsan ko, naglakad siya papunta sa'kin.
"How is he?" Lumingon ako kay Jamie nang tinanong niya ako.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
