He did manhandle me.
Binalik niya ako sa Ces Vallis at nang makarating, hinila niya ako sa kung saan man niya ako dadalhin. Ilang kanan at kaliwa ang niliko namin hanggang sumakay kami sa elevator at pinindot ang pinakababa nito papunta sa basement.
"Asan ba tayo pupunta?!"
Hindi man lang siya nahiya sa mga empleyado at mga agent na lumilingon dahil sa di mapainta kong mukha at sa pursigido niyang lakad.
"Ano ba!" Hila ko sa aking kamay nang pumasok kami sa isang gym.
Pinalabas niya pa ang lahat at nagmadali silang sumunod sa utos niya. The arrogance of this guy!
I couldn't remember ever being so angry. Bawat maliit na bagay na ginawa niya noon at bawat maliliit na bagay na ginagawa niya ngayon ay nakakainis.
I trusted him in ways I'd never trusted anyone else besides my girls. And he'd... from the beginning, he knew information about my life and didn't say anything.
I know it's his job, but that's the scariest part. What would he do for his career at the expense of my life? What if Ces Vallis as a company refuses to protect my family? Ano na mangyayari?
Hindi ko na binigyang pansin ang laki ng gym na pinasukan namin dahil sa nagtitimping mukha ni James.
"Ano?!" Pagtataray ko.
"You asked me who I am. I'll show you my file. I'll tell you everything and with proof."
Natigilan ako sa sinabi niya at ang tanging nagawa ko na lang ay iikot ang mata ko. Hindi ko naman sinabing kailangan kong malaman ang buong impormasyon niya—Pero syempre, sasamantalahin ko ang pagkakataong 'to para malaman kung ano ang ginawa nila.
Nanlilisik ang mga mata ko sa kanya. "Wala akong pakealam sa kung anong trabaho mo James. Ang gusto kong malaman, anong ibig sabihin ni Hera na planado ang pagkawala ng scholarship ko?"
"Itasaki knows you were studying at St. Ceara. We removed you as quietly as possible."
As quietly as possible? Ilang araw ako nagdusa nang nawalan ako ng sponsor. I reapplied for my scholarship and didn't pass.
Tumango ako kahit nararamdaman kong pinipiga na ang puso ko.
"Pati pagpasok ko sa kompanya ni Madame?" Naguluhan ako. Gusto nilang malayo ako, pero mas pinalapit nila ako sa totoo kong nanay?
"We didn't know you applied. Your mother was shocked and accepted you despite our agreement. She wanted to see you, that was all her."
Natahimik ako.
Kung ganon... hindi ako kinuha dahil sa kakayahan ko?
"It was risky for you to work with her and we decided it was best for you to leave." Para akong sinusuntok kada salitang lumalabas sa bibig ni James.
Mahina ang boses ko nang magsalita. Hindi ko alam kung narinig niya ako. "Hindi ako kinuha dahil sa abilidad ko. Hindi rin ako natanggal dahil sa kagagawan ko."
Sabi niya, we decided. Na parang hindi buhay ko ang kinokontrol nila.
Natawa ako. Tanginang buhay 'to. "Masaya ba? Na para niyo akong ginawang laruan sa sarili kong buhay?"
Sinamaan ko siya ng tingin at tinitigan niya ako.
"Ang saya siguro—" Napahinto ako at huminga ng malalim nang uminit ang mata ko.
Ang saya siguro magkaroon ng kapangyarihan katulad ng sa kanila. Nasa palad nila ang mundo.
Tangina ng mga 'to. They might have controlled my life, but they can't control my thoughts and feelings.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
