Huminga ako ng malalim at nalanghap ang amoy ng dagat sa hangin. Masaya kong tiningnan ang nakapaligid na puno at napatakip ng mata nang magkaroon ng nakakasilaw na liwanag.
Nandito ako sa San Raigo. Ang probinsya kung saan ko nakilala ang mga kaibigan ko sa kasalukuyan. Silang apat ang lagi kong kasama dito, pero hindi sila ang pupuntahan ko ngayon.
Natuwa ako sa naisip at mas binilisan ang lakad papunta sa kanya. Ang lugar kung saan kami lang ang may alam.
There they are, napangiti ako habang tinititigan ang dalawang batang naglalaro sa ilalim ng puno. Dahil sa pulang pulseras na suot niya, alam kong ako ang batang babae. Ang lalake naman... pamilyar siya pero hindi ko na siya mamukaan.
Naglalaro ang dalawa sa ilalim ng puno habang ako'y nasa taas na nito at pinagmamasdan sila.
Magkikita tayo uli diba?
Napasigaw ako nang lumindol at nahulog ako sa puno. Tiningnan ko ang dalawang bata at magkahawak kamay silang tumatakbo palayo sa burol.
Tumayo ako at sinubukang habulin sila pero nagkaroon ng malaking biyak ng lupa sa ilalim ko. Nahulog ako rito at patuloy na nahuhulog habang pinapakinggan ko ang sigaw ng isang babae.
Nanginig ako sa lamig at biglang hindi makahinga, narinig ang sigaw ng sunog, at ang pagtawag sa pangalan ko. Wala sa isip akong napakunot ang noo, bakit ang lamig kahit may sunog?
"Red!" Napabalikwas ako ng bangon, ang puso ko kumakabog sa sigaw ni Rian.
Panaginip lang pala.
"Hoy! Scarlet Hope Salvacion, kanina ka pa hindi gumigising! Alas otso na, hindi ka pa babangon? Kanina pa ako sigaw ng sigaw ng sunog! Wala pa rin? Mga kapitbahay niyo nga nagpanic na, ikaw tulog parin!"
Napakunot ang noo ako sa sigaw ni Rossana. Ang ingay. Ba't nandito ang mga to? Complete attendance pa.
"Oh? Sabog ka pa ba? Matutulog ka pa? Gusto mo buhusan uli kita ng tubig?"
"Hoy Rossana Saludaga, ano 'to?" Ngayon lang pumasok sa utak kong basang basa ako. Kaya pala malamig at hindi ako makahinga! Piniga ko ang tubig sa kumot at sinamaan ko siya ng tingin.
"Edi tubig! Bulag ka?" Binasa niya ang kama ko!
"Obob, alam ko! Pero patay kayo kay Nana nagkalat kayo ng tubig!" Napapunas ako ng mukha at sinamaan siya ng tingin.
Inikot ko agad ang tingin sa buong kwarto at buti nalang hindi nabasa ang mga sketches at patterns sa katabing lamesa. Ang sewing machine at mga tela ko ay ligtas din sa gilid.
Tinapunan ko siya ng basang unan na tumama muna sa mukha niya bago nahulog sa lapag. "Putangina mo ang kalat ng kwarto! Ikaw magbibilad nitong higaan ko ha!"
Sabay sabay kaming lima na napatingin sa pintuan ng may kumatok.
"Tumigil na kayo diyan. Scarlet, anong oras ba trabaho mo at nakahiga ka pa rin?" Sumilip si Nana sa pintuan para tigilan ang sigawan namin, lumukot ang kanyang mata at ang mga kulubot niyang kamay ay mas tinulak ang siwang para makita niya kami lahat. "Rossana lilinisin mo to."
Nanlaki ang mata ko pagkaalis niya at tiningnan ang mga kaibigan ko, "First day mo ngayon sa trabaho diba? Kaya nga nandito kami for moral support." Singit ni Ellena.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang kalendaryo sa katabing mesa.
Ano ngayon? Monday.
First day ko sa trabaho at sa tingin ko last day ko narin. Pucha.
"Scarlet?" Rinig kong tanong ni Rian na nagpagising sa diwa ko.
"Juice mama! Ba't ngayon niyo lang ako ginising!" Tinapon ko ang kalendaryo sa gilid at tumakbo papunta sa banyo na pinapagitnaan ng kwarto ko at kwarto nila Nana at Ate Beauty.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
