Strings 5: Girlfriends for life

272 11 0
                                        

[Did Rian call you?] Ang bungad na salita ni Lorrain nang sagutin ko ang tawag.

"Wala. Wala akong narecieve." Iling ko at kumaway kila Nana habang palabas ako ng bahay.

Narinig ko ang pag lakad ni Ellena sa kabilang linya bago siya sumagot. [Oo bakit?]

[I think something happened, kanina pa niya ako tinatawagan and I missed all her calls.] Lorraine answered.

Suminghap si El, [Kinansela ko lahat ng tawag niya pero nag chat akong tatawag ako pag free ako. We had a... situation here.]

[Anong nangyari diyan? God we're the worst.] Lorrain groaned, [Papunta ako sa condo niya, dadaanan ko ba kayo? You're in your house right?]

[Wait, are you driving? You're using your phone while driving?] Rinig ko ang malakas na pagsarado ng pintuan sa side ni Ellena. Mukhang lahat kami ay paalis na ng mga bahay.

[Yes I know it's not safe, but this is important. Dadaanan kita Red?] Tanong ni Riri at umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.

Nakataas na ang kamay ko para pumara ng jeep, [Hindi na, pasakay na ako.]

Ilang segundo din ang lumipas nang marinig kong sumagot si Ellena. [It's okay. On the way na rin kami ni Rose.]

Pagdating ko sa condominium nila Riri, sakto namang nakita ko sina Rossana na kakababa lang sa sakay na taxi kaya sinalubong nila ako, "Ano ba ang nangyari?"

"Hindi ko alam, wala namang sinabi si Lorraine." Napailing nalang ako, apaka pangit ng araw na'to.  Sabay kaming sumakay sa elevator and we were all quiet for a couple of seconds nang bigla akong napaisip, "May nangyari ba kay Rian at Danny?" 

"Baka yun nga." Napahawak si Rossana sa braso ko at napasinghap. "Pupunta dapat siya sa Baguio ngayon diba? May nangyari?"

Kahit hindi ako sumagot, alam naming tatlo na meron. It's her relationship, so I try my best to give my opinions and perspective towards Marianne kapag may problema sila, but at the end of the day, it's still their choice. Kaya nga nang nagkabalikan silang dalawa, I didn't say anything. Even though I wanted to punch that guy every time we see him.

When we arrived at her floor, naabutan namin si Lorry na binubuksan ang pinto gamit ang duplicate key na binigay sa kanya ni Rian noon.

"Lorraine! Anong nangyari kay Riri?" Tanong ni Rossana habang tumatakbo kami patungo sa kanya.

"I don't know, kakarating ko lang. I was on silent kaya hindi ko napansin na andami pala niyang tawag sa'kin kanina." She unlocked the door and Ellena sighed.

"I ignored her calls." Nagkatinginan ang magkapatid. They were doing a sibling thing na hindi ko na binigyang pansin dahil pumasok na si Lorraine. 

Bumungad sa'min ang magulong sala at nakakalat ang mga walang laman na alak. Nakaupo si Marianne sa mahabang sofa habang nakayuko at hawak hawak ang nangangalahating bote.

"Hey Ri." Mahinahong tawag ni Lorry, and we all walked towards Rian.

Umangat ang tingin niya at ang namumula niyang mata ang una kong napansin. "Hi."

Walang sabi sabi na naglakad kaming lahat patungo sa kanya. 

Umupo ako sa kaliwa, si Lorraine sa kanan, lumuhod si Rossan sa kanyang harapan, at si Ellena ay pumwesto sa sandalan ng upuan. Niyakap namin si Marianne ng mahigpit and I pursed my lips nang humgulgol siya. It just clenches my heart everytime she releases her emotions like this.

"What took you guys so long?" Sabi niya sa gitna ng kanyang mga hikbi at lahat kami napa-sorry. Umiling siya. "Sorry for taking your time."

"Baliw. Ikaw ba 'yan Ri? Stop apologizing." Pinalo siya ng mahina ni Rossana sa tuhod at mas lalo siyang umiyak.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now