Strings 28: Risk

142 7 0
                                        

Pagkarating sa quarters namin ay nahiga agad ako. Wala si Ate Gie at isang kasambahay na kasama ko sa kwarto kaya mabilis akong niyakap ng tulog sa katahimikan—pilit kinakalimutan ang mga nangyari ngayong gabi.

Bang. Bang. Bang. Bang.

Nagising at napabangon ako nang may kumalampag sa pintuan. Pabilis ng pabilis na parang nagmamadali. Pwersahang nabuksan iyon at pumasok si TJ na duguan.

Itatanong ko na sana kung ano ang nangyari nang tumalsik ang dugo sa buong katawan ko.

I screamed.

James shot like the agent guarding the door in the yacht. Half of his head is gone.

Bumagsak ang katawan niya sa lapag at ang lalakeng inilarawan ko ngayong gabi ay nilakaran lang siya na parang wala siyang kwenta. 

"You've seen my face. You're the reason I'm being searched for." He smiled at me the way he did on the yacht and shot TJ's body over and over, even when I begged him to stop.

I screamed and cried.

Isang katok ang nagpamulat sa akin. Isang panaginip.

Bumukas ang pintuan sa harap ko, pumasok si James na nakangisi.

Napabuntong-hininga ako at sasabihin na sana ang panaginip ko nang may lumitaw na pulang tuldok sa kanyang noo.

"James!" Tulak ko sa kanya palayo at bumagsak kami sa sahig. Paglingon ko sa kanya ay walang buhay ang kanyang mga matang nakatitig sa kisame.

Sumigaw ako at humingi ng tulong pero walang dumating.

May kumatok sa pintuan at napamulat uli ako. Mabigat ang paghinga. Panaginip ba to uli?

Nakatitig lang ako sa pintuan, kinakabahan kung anong mangyayari nang marinig ko ang boses ni Tinang.

"Scarlet." Bumukas ang pintuan at sumilip siya, "Tulog ka ba?"

Napailing ako sa gitna ng pawis at bilis ng tibok ng puso ko.

"Pinapasabi sakin ni James na gawan mo raw siya ng kape at ipadala sa kwarto niya ASAP."

Umirap ako, "Tangina gawin niya sarili niyang kape."

Nagulat siya sa sinabi ko pero awkward akong napangiti para ipahatid na nagbibiro ako. "Susunod ako."

Lalabas na sana siya sa kwarto nang tumigil siya para magtanong. "...Kamusta ka?"

Napabuntong hininga ako at napailing. Sa totoo lang? "Hindi ko alam ano dapat kong maramdaman..."

Sumandal siya sa hamba, "Same. Hindi ako makatulog. Nasa baba lang kami magkakasama kung gusto mo makipag usap para magpalipas ng oras."

Tumango ako at lumabas na siya pero narinig ko ang boses ni Ate Gie. "Tulog ba ang prinsesa? Buti pa siya nakakatulog."

"Hindi mo alam pinagdadaanan niya te."

Nakikita ko ang pagsalubong ng kilay niya kahit nakasarado ang pinto. "Akala mo ang hirap ng pinagdadaanan niya eh alagang aga siya ng kambal. Ang arte.

Tumayo ako para mag ayos dahil kailangan ko pagsilbihan si TJ, kahit naiinis ako. Technically I work here and he's my boss. Para naman akong bossing kung simpleng pagtimpla ng kape hindi ko susundin dahil naiirita ako sa kanya at sa babaeng nasa labas ng kwarto.

Bakit ako naiinis kay TJ? Kasi ilang beses siyang namatay sa panaginip ko.

Naligo ako para mawala ang inis at kaba na nararamdaman, mabilis na nagbihis, at pinatong ang jacket na binigay ni TJ.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now