Limang libo.
Limang libo nalang ang natira sa debit account ko. Malalim akong napa buntong-hininga at lumayo sa ATM.
Habang naglalakad ako pabalik sa ospital, Minata at tinanguan ko ang agents na sumusunod sa di kalayuan. Ang dalawang sumusunod sa akin ay nangangalang Vernon at Christian, at may dalawang nakabantay kay Nana at Ate Beauty.
Hindi parin ako sanay na andyan lang sila tinitingnan at binabantayan ako. Paano nalang kung mangulangot ako? Nagkakamot ng pwet? Kitang kita nila lahat ng 'yon? Pilit kong sinasabi kay TJ na hindi na nila ako kailangan bantayan. It's a waste of manpower. Ilang araw na ang nakalipas simula noong lumipat kami sa safehouse. Hanggang sa ngayon ay wala namang nangyayari.
Tumango rin sila bilang sagot sa'kin at wala na. Ilang beses ko silang sinusubukan kausapin pero para silang mini Allan. Isang tanong, isang sagot.
Pumunta ako sa billing para i-settle ang bill ni Nana, pero sa gulat ko, hindi na raw kailangan.
"Paki-ulit ho?"
Walang emosyon uli akong tiningnan ng cashier, "Nabayaran na ang bill ni Lucresia Salvacion."
Kunot ang noo ko, "Sinong—"
Ahh si TJ. Wala na iba pang pumapasok sa isip ko kundi siya.
"Sige, salamat po."
Hawak ang binili kong maintenance ni Nana, dumiretso na ako sa kwarto para tumulong sa pag iimpake. Pwede nang ma-discharge si Nana pero may wheelchair na siyang gamit dahil sa pagtama ng kanyang bewang sa lapag.
Sinigurado ko munang maayos sila sa bagong bahay bago ako dumiretso sa Casa Del Valle habang sinusubukan tawagan si TJ. Kamakailan lang kami nagpalitan ng number dahil walang social media account si TJ.
Shocker right?
Pakiramdam ko isa siyang fossil dahil wala siyang alam sa mga online jokes, pero okay lang kasi hindi narin ako active sa accounts ko.
Scarlet: Saan ka?
Scarlet: Binayaran mo ba ang hospital bills ni Nana?
Paulit ulit kong binabasa ang chat na sinend ko pero hindi parin siya nag reply. Hindi rin siya nag seen. What is he doing?
Now I'm worried.
TJ doesn't disappear. He's the first one who notifies me of his location or if he's busy. To the point na gusto ko nalang siyang sabihan na hindi ko kailangan malaman lahat ng detalye na ginagawa niya—but I wouldn't do that, because I like his clingy insufferable self.
"Asan si TJ?" Harap ko kay Allan na naka duty sa unahan ng mansyon. Tinanong ko na ang magkakapatid na Del Valle na andito. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ang iba sa kanila—katulad ni Jane—pero hindi raw nila alam. Kaya kung hindi sila nasabihan kung nasaan si James, si Allan ang may alam.
Tumaas ang kilay niya. Namana niya siguro ang akto sa kanyang boss.
"Nasaan si James?"
Nanatiling tuwid ang kanyang tayo, hindi ako tinitingnan.
"Alam mo, tatayo ako rito magdamag hanggang di ka sumasagot."
Tumaas uli ang kilay niya, "Why do you care?" Ang taray ni sis.
"Kasi hindi siya hindi nag r-reply sa akin. At kung hindi siya sumasagot, he's experiencing something. Now tell me what?"
Hindi siya sumagot at napadaing ako sa frustration.
"Ano ba ang—"
"He's at their old house." Napalingon ako sa nagsalita. Si Hera. Hindi ko napansin na nakasandal siya sa isang pole. Sa sobrang tahimik niya gumalaw, iisipin kong isa siyang spy.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
