Strings 12: The Boss

181 11 0
                                        

"Sige na Scar." Pagtaboy sa'kin ni Lorraine habang pinipilit kong pumasok sa kabilang pinto. 

Kasalukuyang kaming nasa fourth floor dahil napagusapan namin nila Tinang na umaga kami maglilinis ng mga kwarto dito sa pinakataas. Sunod ang third, second, at huli ang first floor.

"Bakit hindi ikaw? Bakit ako?!" Ang kaibigan kong 'to, kanina pa ako tinutulak sa kwarto ng taong iniiwasan ko buong araw. Ang ipis.

Ngumisi pa siya para mang asar, "Kasi you find him hot."

"Puta ka talaga. Ikaw na, Lorrs." Kulang nalang lumuhod ako sa harap niya eh.

"Ikaw nga ang assigned dito bago ako pa gusto mong pumasok? Sige na." Sabi pa niya at tinulak ako sa harap ng pintuan.

Nakakainis naman 'tong babaeng to, "Bwisit ka."

Humalakhak lang siya sa sinabi ko at kumindat bago naglakad palayo, "Lav ya too." Napailing nalang ako.

Tinuruan naman kami ni Tinang kung anong gagawin namin sa mga kwarto. Nag demonstrate na siya sa kwarto ni Jane kanina kaya alam ko na ang gagawin. 

Hawak hawak ang cart na naglalaman ng mga panlinis, inabot ko yung basket sa baba kung saan nakalagay ang mga malinis niyang mga damit. Kumatok muna ako sa pintuan at nakinig ng ilang sandali at baka sakaling may sasagot sa'kin. Medyo nag alanganin akong buksan ang pintuan but at the end, I swallowed my cowardness and went in.

I looked around and immediately exhaled realizing the room was empty. 

His room looked sleek. The shades alternating to white, black, brown, and grey. At sa totoo lang, his bed looked so comfy sa light grey cotton sheets nito. 

Binuhat ko ang basket papasok at nang saraduhin ko ang pintuan, I caught a glimpse of a man doing calisthenics outside the balcony. He was holding on to a metal bar with his feet high in the air, carrying his whole body.

Oho God have mercy.

Mga ilang segundo pa ako namangha sa ginagawa ng lalake nang mapagtanto kong si James 'yun kaya mabilis akong tumalikod at hinanap ang pintuan sa walk in closet para ayusin ang mga damit niyang bagong laba. 

His wall is painted white and his closet and drawers are dark grey. Tumingin ako sa island drawer para silipin ang collection niya ng mga wrist watch at napasinghap nalang sa dami. 

Jusko, isa siguro niyan pwede ko nang pambayad sa maintenance ni Nana noh?

Ilang minuto rin akong nagtagal sa loob para itupi at i-organize ang mga damit niya kaya pagkalabas ko, naabutan ko siyang nakatalikod habang nag pupunas ng buhok gamit ng isa pang towel. Halatang bagong ligo. 

Putangina, give me strength.

Napaharap siya sa pagbukas ko ng pinto kaya kita ko ang gulat niya. Nang makabawi, mariin siyang tumingin sa'kin at napakunot ang noo.

"Naglilinis po ako, sir." Explain ko agad at baka mamisunderstand niya kung bakit ako nasa loob ng closet. Mabilis akong umiwas at lumabas para kumuha ng ibang gamit pang linis... at para narin makaiwas sa mga tingin niya.

Nang marinig kong pumasok siya sa walk-in-closet, napalakas naman buntong hininga ko. I drew a breath to ease my tension.

Stay professional Scarlet.

Jusko Lord, wala pa siyang sinasabi pero grabe na kaba ko. 

Dumiretso ako sa banyo at pagpasok ay agad nang bumungad sa ilong ko ang amoy ng kanyang shower gel. Lalakeng lalake ang amoy pero hindi matapang. Tangina Scarlet, lahat nalang napapansin? Bakit ko ba pinapansin ang amoy ng shower gel niya?

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now