Strings 1: Her side

740 15 0
                                        

Scarlet Hope Salvacion

What if, sa gitna ng restaurant, nakita mo ang kaibigan mong nakikipagsabunutan sa kabit ng kanyang boyfriend, anong gagawin mo?

Una, tumawa muna ako syempre. Sumunod nalang ang pag awat kasi mukhang walang pipigil sa dalawang nag w-wrestling.

"You ugly retarded bitch! Get off me!" Hinahawakan ni Talia ang kamay ng kaibigan kong nakadikit na sa buhok niya. 

Para ko nang sinasakal si Rossana para ilayo sa babaeng sinasaktan niya pero hindi man lang tumitibag!

Ang liit ng babaeng 'to pero bakit ba siya napakalakas?!

Lumingon ako kay Kuya Gwapong tumitingin lang sa mga taong namumuo, wala man lang siyang pakialam sa kasama niya? Hindi niya talaga tutulungan?!

If you're wondering how this happened. 

Then, approximately ten minutes ago...

Habang naghihintay, apat kaming nakapaikot sa mesa ng resto kung saan nagtatrabaho si Lorrain. Napaigik ako at napatingin naman ang mga tao sa kabilang lamesa nang sumigaw si Rossana, "I hate her so much!"

"'Wag ka nga masyadong maingay." Pinandilatan agad siya ni Ellena para tumahimik pero dumila siya bilang sagot.

Natawa ako, ayaw niya magpatalo eh, "Para kang bata Rossana. Payag ka dun El, ginagago ka ng kapatid mo." Napailing nalang ate niya at tumuloy sa pagkain.

Napalingon ako kay Rossana na masamang nakatingin sa babaeng nakaupo sa dulo ng resto. 

Dalawa silang nakaupo roon, si Talia na nakaharap sa pwesto namin, at isang lalakeng hindi ko kilala— kanina ko pa siya napapansin na nakatingin lang sa malayo habang naguusap sila ng babaeng ikinagagalit ng kaibigan ko.

Bumalik ang tingin ko kay Rossana na parang puputok na sa sobrang pula, "Ang landi talaga ng babaeng yan, parang araw araw iba iba kinakalantari. Nung isang araw boyfriend ko, ngayon naman iba ulit?!"

"'Wag ka namang magalit sa babae lang. Mas malaki ang kasalanan ng jowa mo, siya ang nagloko." Mga salita 'yan ni Mother Ellena.

"Ex." Pagtama ni Rose at napangiwi nalang ako sa sunod niyang sinabi, "Syempre mas galit ako sa kanya, kaya ko nga binuhusan ng lamang loob ng isda diba?"

A very important tip: Do not get on Rossana's bad side, you will not like the consequences of this woman-borderline-psycho's revenge.

Pero mabilis na nawala ang atensyon ko sa usapan ng magkapatid nang malakas na bumuntong hininga ang katabi ko. Bumaling ang tingin ko sa kanya na kanina pa tahimik at cellphone lang inaatupag, "Marianne, 'kay ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan."

"Danny's still not answering my calls." Sabi niya na hindi man lang inalis ang tingin sa cellphone habang kagat kagat ang labi.

Kumuha muna si Ellena ng fries sa gitna bago magsalita, "Gaano ba ka busy 'yan at hindi ka sinasagot? Siya ba ang umako ng trabaho ng presidente?"

Umiling si Rianne. Inakbayan ko nalang siya at tinapik tapik ang balikat. Hindi ako masalita so I hope my actions are enough for my friends. 

Napabuntong hininga siya, "It's nearly a week. Something's off."

"Aah!" 

Napatingin kaming lahat nang sumigaw ang babaeng kanina lang pinaguusapan namin, si Talia. Napasigaw siya sa gulat nang natapunan siya ng tubig na naula galing sa lamesa nila.

Matatawa na sana ako sa sinapit niya pero namukaan ko na kaibigan namin ang aligagang waitress, na nagpupunas ng naulang kape sa lamesa. 

Naririnig ko ang paulit ulit niyang sorry nang biglang umalingawngaw sa buong resto ang sampal sa kanya ni Talia. Natahimik ang lahat at hindi ko na napigilang mapatayo nang sinundan niya ito ng pagtapon ng tubig sa mukha ng kaibigan namin.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now