"Student designs Jamie Faith Del Valle's—"
Tumawa ako at hinawi ang cellphone ni Derrick—or Derry as he likes to go by—para ilayo sa akin. "Tama na." I designed the piece pero gawa siya ng team ni Madame Kristine. Hindi ko pwede kunin lahat ng credit.
"Girl I knew you were familiar nung nagkita tayo, I follow Jamie on instagram!" Sigaw ni Veronica at sabay nilang binasa ng malakas ang article.
Napailing nalang ako sa dalawa kong kaklase—na naging kaibigan ko—sa mga pinanggagawa nila.
Naunang magkaibigan ang dalawa dahil ilang taon na silang magkasama and for some reason, my humor matched with theirs and they took me wherever they go.
I hated this routine of my life. When I had to start from zero, everyone expected me to smile and make friends, but what was the point? Eventually, I'd have to leave them behind, so why bother with attachments?
That's why I'm thankful to have them. Sila ang unang lumapit sa'kin, at nakakatakot maging estudyante uli nang walang kakilala sa huli kong taon.
"Wow, very couture na si ate dito oh."
"Couture?!" Sabay sabay kaming sumigaw para sabihin ang salita at napalingon sa ingay ang mga tao sa kalsada.
Huminto na ako sa paradahan ng jeep at kumaway sa kanila, "Dito na ako, bye."
"Bye girl, ingat sila sayo."
Hinihintay kong mapuno ang sinakyang jeep kaya hindi ko napigilang i-search ang tinitingnan nila kanina. Isang blog post ng isang local fashion magazine.
Student designs Jamie Faith Del Valle's dress made of recycled materials.
Ito ay fundraiser noong isang linggo. Ang naka-attach na picture ay mukha ni Jamie sa blue carpet at lumang picture ko. The picture they used for me is an Instagram photo way way back in my second year. I looked happy and carefree as I smiled at the camera with the different kinds of fabric behind me.
Umandar na ang jeep at nakatitig lang ako sa sarili ko. Hinding hindi na ako babalik bilang babaeng 'to. Ilang taon lang ang nakalipas pero parang isang dekada na ang lumipas mula noong kinuha ang picture na 'to.
Ang laki ng pinagbago ko, both positively and negatively—for one, I don't sleep that much so my eyebags can carry your worries for you.
Hindi rin ako pwedeng magtagal na mag-isa sa isang lugar dahil lumalala ang aking paranoia.
Habang binabasa ang article, napansin kong naka-attach rin ang ginawa kong birthday gown sa pinakababa. Hindi nga ako makapaniwala na hanggang ngayon naka-post parin 'to. Dahil lahat ng videos at pictures nung gabing 'yon ay burado na sa internet—except sa face sketch ng lalake sa Itasaki.
At ang insensitive pag usapan ang isang gown sa isang insidenteng karumaldumal ang mga nangyari, but they still published it.
Anyway, palaging pino-promote ni Jamie ang trabaho ko at lahat ng ginawa niya ay nakatulong sa akin na maakit ang mga customer para sa bago kong negosyo—I make personalized clothing for handpicked clients.
Speaking of, napa-check ako sa isa kong customer. Balak niyang mag meet up dahil estudyante rin siya sa St. Ceara University. Natapos ko na ang bikini na gift niya raw sa kanyang girlfriend—someone should teach this guy how to gift things pero sumusunod lang naman ako, it's big money.
Napa angat ang tingin ko nang malapit na ang aking babaan kaya pumara na ako. Nasa looban pa ang safehouse kaya kinakausap ko si client habang nilalakad ang natitirang sampung minuto.
May van na sumusunod sa akin.
Apat na minuto sa aking paglalakad, napansin ko ang sumusunod na sasakyan. Mabilisan akong lumingon para hindi ako mapansin at nakita kong walang plate number 'to.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
