Hinanap ko si TJ pagkatapos ko maligo. Buong araw kaming nanatili sa kwarto niya hanggang gumabi—dahil hindi lang kwentuhan ang nangyari.
Napahinto ako sa bukana ng sunken living room at tinitigan ang magkakapatid na magkakasama sa conversation pit habang nagtatawanan.
Nakabalik na ang ibang Del Valle dito sa mansyon... at nakakagulat makitang kumpleto sila, kasama ang mga plus one na si Gabriel at Hera.
Ito ang unang pagkakataon na makikita ko uli silang magkakasama, dahil halos sa Ces Vallis nananatili si Kuya Jupiter at si TJ ay nawala ng ilang buwan bago ako umalis sa trabaho ko rito.
Mag isang nakaupo si TJ sa gilid, si Jamie at Gabriel ang nasa kaliwa niya, at nasa harap nila si Kuya Jupiter at Hera—magkatabi pero may saktong layo sa isa't-isa. Si Jane naman ang nasa gitna habang si Jaceon ay nakaupo sa sahig, sa gitna ng bunso at panganay na kapatid.
Napangiti ako makita silang masaya pero nagdalawang isip ako pumasok sa kwarto.
Huli ko silang nakita, kasambahay nila ako o nakita nila akong nag-mental breakdown dahil nalaman kong anak ako ng isang kriminal.
Tapos magapakita ako ngayon, basa pa ang buhok at suot ang damit ng kapatid nila. That's as loud as I directly say, 'Hi! I had sex with your brother!'
Anong sasabihin ko pagpasok? "Hello" is too casual, and "Hi guys!" is overly friendly.
Napasampal ako sa sarili kong utak. Bakit ba ang awkward kong tao? Bakit ba nag o-overthink ako sa simpleng pagbati?
Aalis na sana ako nang mahuli ni Hera ang mata ko at tumaas ang kilay niya. Mabilis namang napansin at sinundan ni TJ ang kanyang tingin hanggang makita ako, inulit niya ang aksyon sa akin.
"Hope. Sit with me, baby." Tinawag niya ako ng malakas at natahimik ang lahat. He offers his hand, offering a space beside his seat in between him and his twin sister.
Mabilis akong lumapit. Mahinang niya akong hinila sa kanyang gilid habang bumubulong sa tenga ko. "You were about to leave, were you?"
"Hindi ah." I lied.
Inobserbahan niya muna ang mukha ko, tinitigan ng mabuti para madetermina niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Of course, he quickly notices. "Baby, that's a dumb lie."
"You're dumb too." I dumbly counter.
Napailing siya at humarap sa mga kapatid. Hindi man lang sila nagkukunwaring hindi nakikinig sa pagbubulungan namin sa isa't isa—lahat sila ay nakatingin sa amin. "Scarlet's my girlfriend."
Tumawa si Kuya Jupiter, "We know."
"Yey." Mapang asar akong siniko ni Jamie sa gilid at nagkangisian kami nang sumalubong ang aming mga mata.
Inikot ko ang tingin sa ibang kapatid at mukhang wala naman silang problema. Nakangiti si Jamie sa'kin, tumango si Jaceon nang nahuli niya ang tingin ko, mukhang walang pakialam si Jane, at tumango rin si Kuya Jupiter sa'kin at binigyan ako ng makabuluhang tingin.
"Welcome to the family."
Welcome. I'm welcomed.
It was a nod of understanding and I nodded back. "Thanks." Lumuwag ang bigat sa dibdib ko at napahinga ng malalim dahil hindi nila bingyan ng masyadong pansin ang presensya ko at mabilis lang na-brush over ang topic.
Inikot ko ang tingin sa kanilang lahat.
Nag uusap si Gabriel at Jaceon, nakikinig si Jane at Jamie sa kanila, habang may sariling mundo ang pinsan ko at si Kuya Jupiter.
It's so mundane that I feel like my heart would burst.
"You okay?" Bulong niya sa tenga ko.
"Nakakapanibago lang. Ang weird. Nakakatakot." I told him, my eyes wild with an emotion that might be fear. Hindi ko kailanman pinlano ang buhay ko, pero iniisip ko ang posibleng mangyari sa'kin, at ang mangyari 'to ay hindi dumaan sa isip ko.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
