"I'm sorry. I'm so sorry."
Nakaluhod ako sa harap ng lapida ni tita-mommy pagsikat ng araw.
Sinugod ko agad ang tatay ko kagabi nang malaman ko ang sinabi ni Hera.
He looked so guilty na kahit hindi siya sumagot ay malalaman ko ang totoo. Hindi raw siya sumasali sa mga 'activities' na ginawa ng mga tinatawag niyang 'brothers'. Loyal daw siya sa nanay ko kaya nanatili siya sa sasakyan dahil siya ang driver noong gabing iyon.
Pero hindi nito mababawasan ang kanyang kasalanan. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan habang hinahabol sila ni tita-mommy.
Hindi lang galit si TJ sa tatay ko dahil myembro siya ng Itasaki... galit siya dahil ang tatay ko ang dahilan kung bakit na-aksidente ang kanyang ina.
"I'm so sorry."
Hinigpitan ko ang hawak sa mga bulaklak na inilatag ko.
"Your family has always been good to me... Sorry po tita-mommy, for everything my family caused yours."
She's done nothing but give me kindness. And this is how my father repays her.
"I'm so s-sorry."
Pinigilan ko ang aking luha. Hindi niya deserve 'to tangina. Isang mabigat na hininga ang inilabas ko nang nararamdaman kong naninikip ang aking dibdib.
"There's nothing to forgive."
Gulat akong napalingon sa babaeng nagsalita. "Jamie?"
"You've done nothing wrong."
Naka running clothes si Jamie habang hawak ang kanyang headphones sa kaliwang kamay. Alam kong dati nila 'tong bahay pero hindi ko inasahang makikita siya ng ganitong kaaga sa libingan ng mommy nila.
Ito ang unang pagkakataon na makikita ko siya pagkatapos naming pag usapan ang gown niya sa fundraiser.
"You're not your father."
"Jamie... Kailan mo pa alam?"
Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam sa ginawa ng tatay ko?
"After San Raigo." She smiles at me apologetically. "It was... not like James to leave us in that situation, so I dug deeper."
"And you still helped me." She got me back in school and helped me get recognized, so people would know my designs and buy my products.
"And I will do it again, Scar." She smiles, and tears start to glisten in her eyes. "James looks at you so fondly. I wanted to help the woman he looks at with love."
Napaiwas ako ng mukha sa huling sinabi niya. "Para tumaas ako? Dahil hindi pantay ang estado ko sa inyo, ganon ba?" Nasusuka ako sa sarili kong mga salita. When did I get so insecure? So small? So quick to douse down something so beautifully said with negative words?
"I didn't even say that. I wanted to help you to the best of my abilities because you're talented and important to my brother."
"The thing is, hindi kami maayos ngayon. Galit parin ako sa kanya dahil nagsinungaling siya sa'kin."
"I understand. I would also be pissed if I'm in your situation." Tumango siya at lumakad papalapit sa akin. Nang umupo siya sa tabi ko ay hinalikan niya ang palad at inilatag sa lapida. "Good morning mommy, it's a good day today."
"Makikipag-trabaho ka pa rin ba sa'kin kung hindi na kami?" Bulong ko. Hoping for the best. Mahal ko si Jamie bilang kaibigan at ang disappointing malaman kung kinakaibigan lang niya ako dahil sa kapatid niya.
Minata niya ako. "Of course. Hindi ko alam kung ako lang but I already see you as a friend Scarlet. You are important to me too... and I'm sure James thinks the same way—only way way more."
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
