"Nagtatrabaho kami dati para sa mommy mo. Nung pinanganak ka, kami na ng Nana ang nag alaga sa'yo. Noong sinabi sa amin ang balak na taguin ka... hindi kami nagdalawang isip na kunin ang trabaho, Pula."
Nakayuko si Ate Beauty, tahimik na umiiyak habang kinukwento sa'kin ang hinihingi ko sa kanya. Nasa ospital pa rin kami, pero binigyan kami ng espasyo ng mga agent para mag luksa ng pribado.
"Hindi ka namin alaga lang... trinato kitang kapatid, anak, at kaibigan. Alam kong ganon din si Nana mo."
Humigpit ang hawak ko sa kanya. Dahil hindi ko rin siya 'yaya'. Siya at si Nana ang tumayong magulang ko.
"Sila ang nagpapadala ng pera sa atin. Huminto nang nagsimula ka ng kolehiyo dahil na t-track na raw ang pera. Kamakailan lang ulit sila nakipag usap nang may mga agent nang bumabantay sa bahay."
Umiikot ang ulo ko sa mga impormasyon na binigay ni Ate Beauty. Lahat sila alam ang mga nangyayari, except sa akin.
"Sorry, Pula. Alam kong buong buhay mo kami kinukulit kung sino ang mga magulang mo... Akala nga namin nang pumasok ka bilang assistant niya, sasabihin na nila ang totoo... pero andito na tayo. Sorry kung andami naming tinago sa'yo."
Napailing ako at niyakap siya. Katulad nila, nahila lang sila sa sitwasyong 'to. Hindi naman nila kailangan lumipat lipat ng iba't-ibang lugar kasama ako. Kung tutuusin, pwede silang mabuhay ng mapayapa, pero pinili nilang buhayin ako... at dahil doon ay tinarget din sila.
Tapos nawala... nawala sa amin si Nana. Hindi ko pwedeng iwanan si Ate Beauty, ngayon na ako nalang ang natitira niyang pamilya.
Niyakap ko siya ng mahigpit at makalipas ang ilang segundo, naramdaman ko ang kalabit niya sa aking kamay.
"Wala akong tiwala sa mga agent. Hindi ko alam kung tutulong parin sila kapag nakuha na nila ang hinahanap nila... kaya tinago ko 'to."
Minata ko muna ang mga agent sa paligid at siniguradong hindi sila lilingon bago ko tiningnan ang nilagay niya sa aking kanang kamay.
The worn-out red bracelet with a gold pendant that my parents gave me as a child... ang digital ledger na hinahanap ni Sir Archie.
Paano 'to naging ledger?
Ipinulupot ko ng mahigpit ang mga daliri ko dito at niyakap si Ate Beauty habang bumubulong siya, "Pag isipan mo ng mabuti kung kanino mo ibibigay 'yan."
~~~
It happened. Move on. I believe I always had that mindset in the back of my mind.
I could not worry about anything else when I had to worry about me and my family—Ate Beauty and Nana.
Got a low grade? Sad but okay.
Lost a job? Find another one.
No parents? Live with it.
Learn you're some kind of a yakuza princess hidden by your parents while you were living a normal life? Gago. Hindi ko na alam.
Paano ako mabubuhay sa katotohanang hinahanap ako ng mga kriminal, maraming tao ang nasasaktan at namatay nang dahil sa akin?
Ayaw ko na ng ganito. Sino pa ang kailangan masaktan? Sino pa ang mamamatay dahil lang sa dugo na dumadaloy sa katawan ko?
Matatapos ba ang lahat kapag patay na ako?
"I could kill you if I wanted. It's totally out of order that I don't."
Tiningnan ko si TJ at si Sir Ayahiko na magkaharap. Paano ako mabubuhay kung pagkagising ko palang, gulo agad ang tatambad sa'kin?
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
