Strings 44: The New Life

214 8 0
                                        

₊˚。⋆❆⋆。˚₊

Driving a car is a survival skill. Yan ang sinabi sa akin ni TJ noong tinuturuan niya akong magmaneho ng manual.

He said, if I could drive a manual. I can survive anything. A-ny-thing.

Isang OA na statement dahil ngayong nakatigil ako sa gilid ng kalsada, dahil may isang sasakyan na bumangga sa'kin at humarurot palayo... feeling ko hindi naman ako survivor nang hindi ko na maalis ang gulong nang ma-stuck ito sa malalim na parte.

Napalingon ako sa daan na natatakpan ng snow. Tinawagan ko agad si TJ kasi hindi pwedeng sa dami kong pinagdaanan sa buhay, ang matatabunan ng snow lang pala ang katapusan ko.

"You didn't answer my texts and calls. Are you okay?" Isang ring palang ay sumagot na agad siya sa tawag. Andami niya ring sinabi.

"Sorry. Naka silent ang phone ko kanina, baby. I was downstate."

"Who were you with?"

Napangisi ako, "Ibang klase na to Teej, you're obsessed."

"I am, pretty girl."

"Nagkaroon bigla ng meeting—pero sandali, I need your help." I was half telling the truth in the first part.

Ang hirap magsinungaling sa dating agent na mabilis mabasa kung anong nangyayari sa buhay ko. Nakikita niya agad kung nacoconscious akong ipinapakita ko bang conscious ako kung paano ako kumilos.

Kaya half-truths lang ang masasabi ko. Nasa downstate New York ako kanina, pero hindi lang dahil sa isang meeting.

Mabilis kong sinabi kay TJ ang kondisyon ko at narinig ko agad siyang lumalabas sa bahay namin.

"That's why your location is randomly parked at the side of the road."

Na-imagine ko si TJ, naghihintay at nakatitig sa location tracker namin sa isa't-isa. Nagtataka kung bakit hindi ako gumagalaw sa gitna ng malamig na panahon.

Nang malaman kong darating si TJ ay kumalma na ako, kahit namatay ang cellphone ko sa pagka lowbat, nag knit lang ako sa loob ng kotse pampalipas ng oras habang hinihintay siya.

James was the complete opposite.

"Are you hurt?" He whispered in a horrified voice, holding me close after he ran towards me.

"Mmph." I tried to mumble no, but it was muffled dahil nakabaon ako sa makapal niyang dibdib.

Si OA.

.˚🌿𓍢˖˚🧺🌼𓍢˖˚

Nang dumating ang spring season. Madalas kaming lumalabas para maglakad sa park.

"You used your precious hands today." Napansin niya agad ang bruises sa kamay ko at napatango ako.

"Ang hirap ng fabric na hawak namin."

Pagkatapos namin mag grocery, napatingin ako sa mga puno na namumulaklak. Masarap sana mag lakad sa ganitong panahon kung hindi marami ang binili namin. Karaniwang naglalakad lang kami ng isa o dalawang oras, enjoying the chaotic peace and the way nobody minds anyone's business.

Pero hindi naman ako nagrereklamo sa posisyon ko ngayon—nakabukas ang bintana ng jeep ni TJ habang pauwi kami upstate. The smell of flowers was in the air, and I was loving every second of it.

"Ang bangooo."

Napalingon ako sa kay TJ nang ngumisi siya sa'kin. He's wearing his aviator glasses and damn he looks good. "Do you know, you can't smell if you bite your lip?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now