warning: mature content (violence and murder)
~~~
Ang bawat sulok ng yate ay protektado at binabantayan ng mga agent. Dahil ibat-ibang importanteng tao ang dumalo ng selebrasyon ngayong gabi, the people guarding were all over the world too.
They're agents. Trained to be alert. Kaya nang makita ang sabay sabay nilang pag hawak sa ear piece na parang may nagsalita doon, kinabahan ako.
"May nangyari." Bulong ko kay Tinang dahil takot akong magkatotoo 'yun kapag malakas ang boses ko.
Nakita ko ang paninigas ng kanilang mga katawan, naglabas ang iba ng baril, iba batuta o kutsilyo, pero hindi sila umalis sa posisyon.
Hinawakan ako ni Tinang at litong lumingon sa tinitingnan ko.
Lumabas sa pintuan si Mark at Chance, they look calm but something in their demeanor wracked my head. Mabilis hinawakan ng huli ang braso ko, "Scarlet, go back in."
Dalawang bagay ang iniisip ko ngayon. Una, anong nangyayari? At pangalawa, bakit mukhang nag aalala ang dalawang 'to para sa akin?
Inimuwestra rin ni Mark ang kamay niya sa katrabaho ko para sumunod. May naririnig kaming sigawan kasabay ng pagputok uli ng baril at mas pinabilis ng dalawa ang lakad namin.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"They're on the second floor, approaching the staircase. Have five shooters in a row. Over." Ngayon ko lang napansin na may walkie-talkie silang hawak at narinig ko 'yon.
"Copy." Sagot ni Mark.
Nasa third floor kami at hindi ko gustong isipin kung anong mangyayari kapag nakarating ang mga tinutukoy nila rito.
"Anong nangyayari?" I exhaled at walang sumagot sa dalawa. Mahinang umiyak si Tinang sa tabi ko. Sa gitna ng gulo, nahanap ko ang kamay niya at mas hinigpitan ang hawak dito.
Sa pagkakakilala ko kay Tinang, she knows how to handle herself in times of pressure. She has always remained cool-headed. But what's happening here is nowhere near our job descriptions and what our mental state can accept.
Naririnig ko na ang kaguluhan sa loob ng ballroom bago pa kami makapasok, at lumakas 'yon sa tenga ko nang tinulak ni Chance ang pintuan.
Nagsisitayuan at takbuhan ang mga tao. May mga gwardyang nakabantay sa silangan, kanluran, at timog na pinto—pintuan kung saan kami nanggaling. Pero halos lahat ng mga agent ay naging human barricade sa mga taong umaakyat sa dalawang hagdanan, sa magkabilang gilid ng maliit na platform, na nakapwesto sa bandang hilaga nitong ballroom. Malakas ang sigaw at malupit na siksikan ang nangyayari na posibleng magkaroon ng stampede.
"James!" That was a voice of both terror and confusion. Samot saring boses ang umiikot sa buong kwarto pero nangibabaw ang sigaw ni Jamie nang marinig ko siya sa kabilang dulo. Mabilis kong binaling ang tingin kung saan nanggaling ang boses.
Nasa platform parin ang mga Del Valle pero napako ang tingin ko kay TJ na naglalakad papunta sa amin. Sa likod niya si Jamie na nagpupumiglas habang hinihila siya ni Gabriel paakyat ng hagdan na nasa gilid nila.
Unlike Tinang and I, Jamie was made for this life. She was trained to be always prim and proper, to go through her battles calmly. Seeing her screaming and pushing her lover away to go to James is heartbreaking.
"Where are you going?!" Sigaw uli ng kambal niya. Lumagpas si TJ sa barricade ng mga guards at mga lamesang pinagtutumba nila para gawing harang sa kung anong mangyayari.
The twins aren't always together, but you see, they have that connection, the special bond that only twins have. And seeing Jamie's face contort in horror while seeing her other half leave from safety is painful.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
