"Goodluck." Ngiti ni Thea sa'kin bago umalis pagkasabi ko sa kanya na ibibigay ko kay Madame ang portfolio ng mga naipon kong designs.
Magdadalawang linggo palang akong nagtatrabaho sa Mr. and Mrs. Couture at marami na agad akong natutunan sa pag obserba kay Madame Kristine.
Dahil sa upcoming showcase ng beach gowns para sa kanyang summer collection, busy na ang lahat sa pagttrabaho.
Madame has two assistants, ako at si Thea. Si Thea ang nagbigay sa'kin ng panyo at damit, and she does all the hard work between the two of us. Siya talaga ang sumasama sa factory para magtrabaho, habang ako... ang bumibili ng kape at pagkain, recieve ng tawag, organize ng schedule ni Madame, etc. etc.
Napayakap ako sa portfolio na hawak at napabuntong hininga. What I'm doing is not exactly a fashion designer's dream job. I wanted to work directly with fashion, dadating kaya ang panahon na gagawin ko rin ang pangarap ko?
Napailing ako sa sarili. Masyado naman akong atat.
Baby steps, Scarlet. Baby steps.
Nang makita kong naglalakad si Madam Kristine palabas ng kanyang opisina, napatayo ako sa pwesto sa panic. Sinenyasan niya akong sumunod at agad akong tumakbo para pumantay sa kanya.
With all the strength I could muster, ibinigay ko ang clear book na hindi ko pa halos mabitawan sa higpit ng hawak, "Madame, excuse me po. I have a book of sketches here. If it doesn't take up too much of your time, I would be honored if you looked into it."
Ngumiti siya ng malapad and the moment she did that, I felt like the heavens were blessing me. "Of course, honey. I'll look into it later, but first, do me a favor."
Tumango ako at nagaya ang kanyang ekspresyon habang iminuwestra niya ang kanyang kamay para sumunod ako. Bumaba kami ng ilang palapag at sinusundan ko lang siya.
Iniisip ko palang na makikita ng isang Kristine Yoshikawa ang trabaho ko, sumasakit na ang puso ko! Ahhh sheet! Kung pwede lang tumili dito!
"I have a meeting with a client. She wants to pick the design she wants to wear personally..."
Nawala kay Madame ang atensiyon ko nang makita ko si Thea. Nasa kabilang palapag siya, kumakaway at nag approve sign, sumisenyas sa tanong—kung natanggap ba ni Madame ang portfolio. Ngumiti ako sa kanya ng malapad at mabilisang tumango kaya pumalakpak siya. Natawa nalang ako dahil naging agaw pansin siya sa kabila.
Magaling at masaya katrabaho si Thea, kaya nagpapasalamat talaga ako na tinutulungan niya ako dito sa kompanya kahit medyo masungit lang siya sa'kin minsan.
"...got it?"
Napatingin ako kay Madame at muntikan pa akong matapilok nang tumigil siya, "Po?"
"Did you get it, Scarlet?" Tumango nalang ako kahit hindi ko alam ang tinutukoy ni Madame.
"O-opo." Pumasok kami sa isang kwarto na punong puno ng gowns. Hindi ko maiwasang mamangha. Wow, ngayon lang ako nakapunta dito.
May babaeng naka upo sa gilid habang may kinakalikot siya sa cellphone. Pagkakita niya kay Madame, tumayo na siya at nagpaalam nang lalabas.
"Lahat po ba 'to ay design niyo?"
"Most of it. Yes." She smiled.
"Wow." Sabi ko at tumatango tango pa.
"Mauuna na ako. Ikaw na ang bahala okay?" Matagal siyang tumitig sa'kin bago sumulyap sa kanyang wrist watch at umalis nang bumubuntong hininga.
Iniikot ko lang ang lugar habang tinitingnan ang bawat isang gown and a particular one caught my eyes. Isa siyang laced mermaid gown na backless, from the thighs pababa ay see-through at sobrang haba ng trail sa likod. It was completely stunning.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
