Ilang araw pagkatapos ng aming Tagaytay escapade, tumambay kami sa condo ni Rian na tulala ngayon at nakatingin sa malayo. Tinitigan ko siyang nakapwesto sa labas ng balcony at bumuntong hininga, hindi naman kasi madaling mag move on sa lalakeng ilang taon mo nang nakasama.
Hinarap ko uli si Lorraine at si Rossana na naka unifrom pa dahil na kansela ang klase nila sa bomb threat. Naglalaro sila ng chess sa lapag at nakikinood lang ako habang naghihintay kay Ellena dumating. Meron daw siyang balita para sa'min.
"Scar, may gamit ka bang phone ngayon?" Pagkatapos ng ilang minuto, biglang pumasok si Rian at maingay na sinarado ang sliding door galing sa labas, "Ibibigay ko na sana 'to."
Napanganga ako nang tumabi siya sa'kin at inabot ang bagong niyang iPhone, "Diba bago lang 'to?"
"I want to buy a new one." Umiling siya at nilagay sa kamay ko ang cellphone. Kay Ate Beauty parin kasi ang gamit ko ngayon bilang pang contact sa kanilang lahat, "Si Danny bumili nito para sa'kin eh."
Tumango ako pero nasayangan bigla. "Gagi sayang. Bakit mo ibibigay lang? Benta mo na."
Tumawa si Lorraine at pinagsabihan ako pagkatapos niyang tumira sa laro nila. "Bibigay niya na nga sayo, then you want her to sell it pa?"
"Oo gaga. Bibilhin ko kahit hulugan pa." Alam kong gusto niya lang tapunin 'to pero sayang pag wala siyang nakuhang kapalit!
"Ano ka ba." Umiling siya sa'kin at mahina akong hinampas ng unan, "Sige, mga isang libo ganon."
Grabe naman ang discount! "Puta ka, tatlong libo nalang."
"Okay." She easily nodded at binigay na sa'kin ang bago kong cellphone.
Napalingon si Rossana at di ako makapaniwalang tiningnan, "Gurl, ikaw pa choosy ha." Tumawa ako, ayaw ko lang magkaroon ng utang na loob.
Napalingon kami nang may kumatok sa pintuan at tumayo si Rian para pagbuksan si Ellena na may malaking ngiti sa labi. I was staring at her expectantly hanggang sa umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng sobrang higpit, "I got you a job!"
"Ha?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na kumalas sa kanya. These days nag ppart time ako sa fast food chains bilang server at nag ttrain bilang barista sa coffee shop ni Marianne.
"Actually, I got the two of you a job." Sabi niya sabay baling kay Lorraine na kakarating lang at may bitbit ng pitsel ng juice, "Nakausap ko kasi si Ninong na nagttrabaho sa isang Mansion. Kulang daw sila doon, and the job is yours kung payag kayo. Di lang ako sure kung magugustuhan niyo yung trabaho, but the pay is really good."
"Bakit? magkano ba ate?" Tanong ni Rossana at itinigil na nila ni Lorraine ang laro nila.
Ellena smiled, "It's twenty thousand a month."
Lorraine choked on the orange juice she was drinking, "Woah. That's a nice offer." Mataas kumpara sa natatanggap namin ngayon.
Nagulat rin ako at napaupo ng tuwid, "Ano yung trabaho?"
Tumingin siya sa'kin ng ilang sandali bago ngumiti, "Kasambahay."
"Ha?" Kung kaya lang siguro ng panga ko, baka nahulog na'to. Ang laki! Kasambahay for 20k a month?!
"May dirty part ba ang trabahong 'yan?" Tanong ni Marianne. Nakuha na ng pangyayari ang atensyon niya at mukhang nag aalala.
"Wala!" Mabilis na bawi ni Ellena, nananlaki pa ang mata, "Mga Del Valle yun, mababait. Malaki lang talaga siguro ang mansion kaya ganon ang offer."
"Edi sige na! Grasya nayun, tatanggihan ko pa ba." Aba kailangan ko na ng trabaho aayaw pa ba ako? Ang laki laki na kaya nun. "Ikaw Lorrs?"
Tanong ko sa kaibigan naming mabilis namang tumango, "Basta hindi sketchy yan ha."
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
