Napabangon ako nang marinig ang malakas na pagsarado ng isang pintuan. Nanliit ang mata ko sa madilim pa na langit, at tiningnan ang orasan para makitang alas singko palang. Isang oras lang tulog ko, putangina.
Tinawagan namin ni Lorraine ang tatlo para pagusapan ang nangyari kanina, we stayed up late discussing my embarrassment and the fact na mga kapatid at tatay ng jowa ni Rossana ang boss namin.
Ang gaga, hindi alam 'yun.
Matagal siyang nag ffan girl sa mga Del Valle bago hindi niya alam Del Valle ang dugo ng boyfriend niya.
Napa face palm ako nang maalala agad ang ginawa ko, isang kahihiyan Scarlet.
Dahan dahan akong lumabas at alam kong nagmumukha akong zombie sa paglalakad dahil nananakit ang leeg at likod ko sa nangyari kaninang madaling araw.
Nakita ko si Manang na pababa na ng hagdan kaya kahit hinihila ako ng kama pabalik, pinilit ko paring pumasok sa banyo para maligo. Sinuot ko ang isang dark blue naming uniform sa apat na pares na binigay sa'min ni Tinang kahapon. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at napatango bago dumiretso na sa palasyo.
"Good morning po, Manang!" Pag pasok ko sa kusina ay mabilis akong pumalit ng tsinelas para sa bahay at nakitang nag hihiwa na si Manang ng mga iluluto niya, "Ano pong maitutulong ko?"
Tumingin siya sa'kin at may kinuhang box sa cabinet at binigay sakin, isang kahon ng disposable plastic gloves. "Gawin mo itong bilog hija." Hindi pa naitatapos ni Manang ang sasabihin niya ay may binigay siyang bowl ng kanin. Ano bang gagawin namin at ibibilog ko 'to?
"Malakas ang magkakapatid sa kanin, pwera nalang kay Jane na ang gusto ay cereal lang o salad." Kwento ni Manang habang sinusuot ko ang gloves, "Kapag nagmamadali naman, hindi na sila kumakain rito o kaya ay nagbabaon nalang sila ng mga sandwich. Si Archie ay hindi kumpleto ang umaga kung walang kape, kaya pag magising siya ay didiretso na 'yon dito."
Tumango ako habang hinihiwalay ang mga buo buong kanin. Okay okay. Isulat mo sa imaginary notepad, Scarlet.
"Manang anong oras ho ba ang mga pasok nila?" I asked. Kailangan kasi naming mas maaga magising.
"Si Archie ay umaalis ng six thirty, si Jaceon at Jane dinadaanan ng kuya nila rito kapag alas sais. Ang kambal naman ay wala nang klase." Tumango uli ako at napayuko nang maalala ang isa sa kambal. I sighed. I can't believe na boss ko ang ipis at ginawa ko sa kanya 'yon kagabi.
Pinanood ko lang mag gayat ng bawang sibuyas si Manang at hindi ko maiwasang magtanong, "Manang ilang taon na ho kayo rito nagtatrabaho sa mga Del Valle?"
Tumawa muna siya bago sumagot, "Hindi ko na bilang hija, pero ako na ang nag alaga sa mommy nila nang teenager pa ito. Dito na ako tumanda."
Wow. Mangha lang akong nakatingin sa kanya. Bigla ko namang naalala si Nana, siguro magkasing tanda sila ni Manang, pero mukhang mas malakas pa sa kalabaw si Manang.
Kasalukuyan akong naglalagay ng pinggan at baso sa lamesa nang makita kong paparating si Sir Archie. "Good Morning sir." Bati ko at tumango naman siya habang umuupo sa pinaka puno ng upuan.
Naglabanan muna ang brain cells ko bago ko napag desisyonang lumapit sa kanya, twidiling my fingers at the same time.
"Sir?" Umangat ang tingin niya sakin, at napayuko ako. Gago ang intimidating niya, "Sorry po sa nangyari kagabi."
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
