"Shit lang." Pagdating sa building ay agad akong tumakbo patungo sa elevator at napasabunot nalang ng buhok nang makita ang haba ng pila. Ano bang ganap ngayon at andaming tao?!
Inikot ko ang aking tingin at nang makita ang exit sign, dumiretso na ako paroon, pero kung minamalas ka nga naman, may nakasabay pa akong atribida sa daan.
"Scarlet right?" Hinarangan niya ang daan ko at malakas akong napabuntong hininga at napamewang sa harap niya.
Hindi ko gusto na mas matangkad siya sa'kin at tinitingnan ako na parang ang liit ng buong pagkatao ko. "'Wag ngayon Talia nagmamadali ako."
Tinaasan niya ako ng kilay, "Wow so feisty. Wala ka sa teritoryo mo."
"Wala naman akong sinabing akin 'to. May sinabi ba ako? Diba wala naman? Makasalita 'to. Tabi nga!"
Nilagpasan ko siya dahil kailangan kong magmadali pumunta kina Madame, ano kasi ang nangyayari?
"You're getting on my nerves." Napadaing ako nang binangga niya ang balikat ko at naramdaman ang tulis ng kangyang kuko sa'king braso habang hinihila ako pabalik.
Nahulog ang totebag ko dahil sa ginawa niya at mabilis kong tinabig ang kamay niyang nakahawak parin. Gagong 'to, porket di branded bag ko ganyan na siya umasta!
"Ano ba! Ikaw ha, onti nalang masasapak na talaga kita. Magtatrabaho at nananahimik ako, 'wag kang epal." Inirapan ko siya at pinulot ang mga gamit kong nahulog bago nagpatuloy sa paglalakad.
Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa likod. Isisipa ko sa kanya ang chunky ukay kong sapatos kung 'di niya ako titigilan.
Malayo na ako at malapit na sa emergency exit nang marinig ko siyang magsalita. She didn't look like she's angry, nakakainis lang ang ngisi niya, "You just wait, babalikan din kita."
Napatigil ako at kunot noo siyang binalingan ng tingin, "Bakit? Mahal mo ba ako para balikan mo? Sorry, hindi tayo talo."
"Ew, you're fucking weird." Lumakad na ako palayo at napangisi sa sarili nang marinig ko siyang napamura. Asar talo~
Andaming empleyadong nakikiusyoso sa labas ng pinto kaya ang hirap pumasok.
Pagpasok ko palang sa kwarto ay nabigla ako sa nakita, ang kaninang perpektong nakahanay na mga gown ay nagkagulo na. Parang produkto yon ng domino effect dahil halos lahat ng mannequin ay patong patong na natumba.
Aligagang inaayos ng mga staff ang mga natumba habang chini-check narin kung may na damage.
Nang may dumaang empleyado sa harap ko, napatitig agad ako at napanganga sa gulat nang makitang buhat niya ang mannequin na pinaglalagyan ng gown na hinahangaan ko kanina. Ngayon, ang manipis na see through ay nagmistulang may mahabang slit dahil simula mid thigh pababa ay may mahabang punit.
Natigilan ako, anong nangyari?
"Scarlet!" napatingin ako kay Thea na tumatakbo papunta sa'kin. "San ka nanggaling? Kanina pa ako nagchat sayo, kanina ka pa hinahanap ni Madame!"
"Sandali, Thea anong ba'ng nangya— I panicked, bakit biglang ganito ang inabot ng mga gown?
"Scarlet!" Napapitlag ako nang makita si Madame Kristine na naglalakad papunta sa'kin, galit na galit, "Where have you been? I instructed you to stay here until I come back! Pero ano ang naabutan ko? Wala ka rito and look what happened!"
"A—Hi-hin," Anong sasabihin ko? Na hindi ko alam na pinapabantayan niya pala sa'kin ang mga gowns? Na hindi pala ako nakikinig kanina? Na hindi ko alam kung paano 'to nangyari?
Bakit ba hindi pumasok sa isip ko na 'yun ang pinapagawa ni Madame sa'kin?!
Stupid Scarlet, you're plain stupid.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
