Strings 17: Revelations

156 11 0
                                        

Sa buong class picture na may apat na hilera, si TJ ay nakatayo sa likod sa kaliwang bahagi, huling row kasama ang mga lalaki. Nasa gitna ako, sa pangalawang hilera, nakaupo kasama ang mga babae kasama sina Lorraine at Rossana.

Hinalungkat ko ang ibang litrato at nakita ang buong pangalan niyang nakasulat para siguraduhin... at siya nga.

Timothy James Del Valle.

Knowing he's a literal hunk now makes me gape. Napabuga ako ng hangin na alam kong natulala ako ng ilang minuto! Tinawagan ko agad si ate Beauty. Gago ang weird! "Ate B?"

[Beh?] Gulat niyang tanong nang tumawag ako.

"Ate, sorry may ginagawa ka ba? Biglaan lang pero uhh... nandyan pa ba 'yung class picture ko nung elementary sa San Raigo? 'Yung kasama ko sila Rose at Lorraine...at TJ." Napakamot ako ng sariling noo sa biglaang pabor.

[Kakatapos ko lang naman magluto, papasok ako sa kwarto mo ha. Para saan ba to Pula?] Nagpaalam siya kasi alam niyang hindi ko gustong ginugulo kwarto ko and I nodded eventough I know she wouldn't see me.

Naririnig ko siyang naglalakad sa background at naririnig ko ang paraan ng paghalungkat niya sa mga gamit ko ng ilang minuto at nababalisa na ako. [Ito ba?]

Kahit hindi ko pa nakikita, kinabahan na agad ako, "Sige 'te, papicture nga po ako niyan."

I heard scuffles and a second later, bigla siyang nagsalita, [Okay, sending na bebe.]

Gago.

My phone pinged and the image showed. It was the same picture that I couldn't help but laugh, "'Te, Thank you."

James... he's TJ.

[Para san 'yan Scarlet?] 'Di niya napigilang tanungin at natawa nalang ako.

"Ah wala po. Meron lang tiningnan." Nakatitig lang ako sa picture habang nakangiti. My emotions are over the place from the realization that he was my bestfriend, "Thank you talaga 'te."

Nang namatay na ang tawag, napatakip ako ng bibig habang hindi makapaniwalang tinitigan ang litrato. Baka nga hindi na niya—nila ako naalala, but they were a huge part of my childhood. I don't remember much because I was still a child but I remember how it felt to be with them. To be with his family.

How in the world is this possible? Simula nang umalis akong San Raigo, hindi na'ko nakabalik at akala ko nandoon pa rin sila. Sinong mag aakala na papasok ako bilang kasambahay sa pamamahay nila years later without actually knowing it's them?

Napasinghap ako nang maalala, his mother! His mother was dear to me. 

I scanned the album's pages to find photos of his mother and stopped on an old one where she's holding James and Jamie, side by side. I caressed it with melancholy spreading in my heart. I don't even remember her face and name, but I remember my interactions with her.

I don't remember every detail but I... I remember the feeling. I remember her kindness, and that she was the person who I wished was my mother.

~ ~ ~

Kasama ang asul na langit na binabantayan ang kada galaw ko, I made my way to the large fallen mango tree, "Merong mumu dito eh! Narinig ko kahapon!" Sigaw ko sa sarili ko para hindi ako matakot.

"Who told you I'm a ghost?" May batang biglang bumaba sa puno at napatingin lang ako sa lalakeng mas maliit sa akin.

"Hindi nga ikaw! May mumu dito kahapon eh." Scary 'yun, bigla siyang nagpapakita sa harap ko! May dala akong asin ngayon para mawala na siya, tinakot niya kasi ako eh!

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now