Pagkarating namin sa garahe, ang bunso agad ng pamilya ang sumalubong samin.
"They're here! Finally!" Rinig kong sigaw ni CJ at nagkatinginan nalang kami ng kuya niya.
"Ba't hindi niyo nalang pinaandar to at sinundo ako doon? pinalakad niyo pa si Scarlet." Naglalakad kami papasok at nagsalita si TJ. Nahiya naman ako sa sinabi niya, para siyang may pake kung mapapaagod ako.
Tumawa si CJ. "Oo nga no! Oh si ate ang nag utos kay ate Scarlet."
Naglakad na siya papasok at tumabi kay Jaceon na nasa pinakalikod. "Bakit ka tumabi sakin ang ingay mo sa byahe." Sabi ng binata.
Sumilip ako sa van na kasya ang labing-tatlong tao, ang apat na mahabang upuan ay nakahilera maliban sa pang isahang na nasa gilid. Sumunod ako pumasok kay CJ at nagsalita si Jamie na nasa pinakaunang upuan, pinapagitnaan siya ni Manang at ni Gabriel. "Anong meron? Why was I mentioned?"
Umiling lang ako sa kanya at ngumiti. Umupo ako sa second to the last row, sa pang isahang upuan, habang si ate Gie at Tinang ang nakaupo sa mahaba na upuan sa gilid ko.
"Antagal mo James. What were you doing?" Jamie spoke at napalingon ako kay James na pumasok sa front seat.
"I smoked one before my entrapment." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. He wasn't smoking. He was meeting with the guards.
Jamie sighed. "Ewan ko sayo, don't get me started."
Tumawa lang si James at napatigil ang pag uusap ng dalawa nang sumilip si Kuya Jupiter dito sa loob. "Are we good to go?"
"Yes kuya, let's go please I want to alis na." Singit ni CJ.
He smiled and moved backwards at may pinaunang pumasok. Isang magandang babae na mukhang wasian at may silver highlights ang itim na buhok. Nagkatinginan kami ng isang segundo, she looks so familiar?
Umupo sila sa katapat naming helera at nakatitig lang ako sa ulo ng babae.
"Ate Hera, did you dye your hair?" Tanong ni CJ as Kuya Jupiter closed the door.
"Tingin mo Cici?" Sagot naman ni Jaceon at tumawa ang ibang kapatid niya.
I didn't see her pero naimagine kong inikutan niya ng mata ang kuya niya. "Eh kasi, I'll ask what salon she went to!"
Narinig kong tumawa ang babae bago sumagot. Other than looking like a foreigner, she sounds foreign too. "Your kuya did it himself, love."
"Kuya Sky?!"
Okay, that's why she's familiar.
Siya ang babaeng kausap ni James—the girl with the high ponytail. Her voice is a reminder of that day I found out about the other world their family has.
Huminga ako ng malalim, gusto ko itanong kay Tinang kung sino siya pero makakahintay na 'yon pagdating namin sa San Raigo.
Mga limang oras din ang byahe namin bago kami napunta sa dock kung saan dumiretso ang mga kotse sa isang maliit na barkong sasakyan namin.
Tahimik lang ako buong byahe at nakatingin sa labas ng bintana, slowly realizing babalik ako sa probinsyang matagal ko nang hindi nababalikan.
"Magandang hapon ho mga bossing." Sinalubong kami ng isang lalake at binaba ni James ang bintana niya para makipag tama ng kamao. They were talking about the technicalities at estimated arrival time kapag umalis na kami ngayon.
Pagkapasok, nagsilabasan kaming lahat, at lahat sila ay nagkalat sa iba't ibang bahagi ng barko. Sumalubong sakin ang amoy ng dagat at lakas ng hangin kaya dumiretso agad ako sa pinakatuktok para tingnan ang kalawakan ng dagat.
BINABASA MO ANG
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
