Strings 9: Casa Del Valle

247 12 0
                                        

When we arrived, a new set of guards approached the truck, wearing those techy techy things on their ear. Ang nagpagulat sa'kin ay ang mga gwardya sa taas ng gate na may malalaking baril na dala!

"What the fuck? Those are big ass motherfucking guns!" Tumawa ako sa bulong–sigaw ni Lorraine. Pakiramdam ko nasa movie kami.

Kinausap ni Manong Ading mga gwardya na nakaabang sa gate pero natingin parin ako sa taas kung saan ang mga nakakatakot na klase. Dahil din sa lapad at taas ng itim na bakal na gate, wala kong makita sa loob kung hindi puno lang. Hindi ko tuloy mapigilang mamangha.

Bumalik lang ang tingin ko nang makitang may dalawang guwardiyang nag inspeksyon ng kotse gamit ang mga ngayong ko lang nakitang kagamitan. 

Tiningnan ko si Lorraine at nakitang naka nganga siya sa nakikita, "Bakit may ganito Manong?"

"Para sa seguridad hija." Napatango si Lorraine at nakisabay na rin ako. Sobrang strict nga talaga nila. Pagkabigay ng go signal ay sumaludo pa si Manong sa mga guwardiya bago kami tumulak papasok.

Ilang segundo ay sunod sunod na puno lang ang nakikita namin at maniniwala na sana akong sa gitna ng kagubatan nakatira ang mga Del Valle. 

Habang nakatingin ako sa labas at pinagmamasdan ang mga dinadaanan naming puno, I can't help but think that the whole place is giving off that eerie vampire royalty vibe. Pero sa totoo lang, nothing would scare me more than those guys outside.

Pinagmamasdan ko lang ang dinadaanan namin nang hindi mapigilang manlaki ang mga mata ko sa nakitang mansyon sa harap—scratch that, it's a castle!

"What the fuck? I mean, my parents are rich but not this rich." Nakaawang ang bibig, tumingin ako kay Lorraine na nagsalita. We looked at each other dumbly and I laughed in disbelief.

Nakabukas ang mga water sprinkler para madiligan ang mga malapad na lupain at napako ang tingin ko sa nadaanan naming malapad na convex shaped na bubong at may daanan na dmidiretso pababa ng lupa, an underground garage. 

Wow this is... wow. 

Hindi ko tuloy mapigilang isipin na para kaming mga batang unang beses dinala sa zoo na sobrang manghang mangha sa paligid.

Sa tapat ng water fountain itinigil ni Manong ang sasakyan at tinulungan niya kaming ibaba ang mga bagahe namin, tinatawanan ang mga gulat at mangha naming mukha, "Ang asawa ko ang sasalubong sa inyo mga hija."

As soon as he said that, biglang bumukas ang halos 10 ft door ng mansion at lumabas ang isang matandang babae na lakad takbo ang ginawa para mapalapit dito sa pwesto namin, "Ading!"

"Perlita!" Pagkasigaw ni Manong ay tumakbo din ito papunta kay Manang at niyakap siya ng mahigpit, napangiti ako sa nakita. Cuteyy.

Humilig sa braso ko si Lorraine at bumuntong hininga, "Aww. Gusto ko rin."

"Gusto mong yakapin ka ni Manong?" Sinamaan niya ako ng tingin sa sagot ko at tumawa naman ako bago niya ako binatukan. 

Lumayo kami ng onti para bigyan ng pribadong oras ang mag-asawa nang mapansin kong mayroong elevator na salamin sa kanang parte ng bahay, "Uy gago may glass elevator!'

"Ohh. Wooow." Tumango si Lorraine. 

Kitang kita dito sa pwesto namin ang dalawang babaeng nakasakay sa elevator na tinititigan kaming dalawa. When they saw us looking, the other one smiled and the other remained stoic. Bumalik lang ang tingin namin sa mag-asawa nang tawagin kami ni Manang.

"Scarlet at Lorraine, sumunod kayo sa'kin." Pumormal ang boses ni Manang pero hindi naman naalis ang ngiti sa labi niya.

Naunang naglakad si Manang at nagpasalamat muna kami kay Manong as he smiled, "Pag-igihan ang pagtatrabaho ha?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now