"3... 2... 1... Happy Birthday!"
Saktong 12 a.m. nagkakantahan ang mga tao na nakapaikot sa bonfire, pakatapos ng countdown. Pumwesto si Jane sa gitna ni Jamie at James bitbit ang cake na may sparkler.
Mas dumami ang mga tao rito sa San Raigo, dahil nakarating na ang pamilya at iba nilang kaibigan. At halos lahat ay nananatili sa mansyon ng mga Gonzales.
Sila Evan, Mark, at Chance ay sinundo pa namin, si Ethan daw ay susunod sa mismong ball.
May mga artista pa akong nakita kanina na naglalakad sa hallway. Mga barkada ni Jaceon.
Si Madame Kristine at Thea ay tumutuloy sa hotel, kasama ang ibang staff at si Madame Merina—na iniiwasan ko kapag bumisita siya sa mansyon.
It's a birthday celebration and a charity gala.
Naalala ko ang sinabi ni Jamie, rich people love to flaunt their money, and a fundraiser celebrated on their birthday is her way to capitalize on it for her causes.
They were up by morning for a clean-up drive on the side of the ocean, and by afternoon, they visited different shelters.
Ako na ang napagod para kay Jamie sa totoo lang. She was organizing this months before at ang kambal niya ay full support lang sa gilid niya.
Pero ngayon, sa kasalukuyan, nasa event space—sa tabing dagat—uli kami para sa salubong ng kanilang birthday. At kahit sobrang busy na nila buong araw, game na game parin sila sa salubong na inorganize ng kanilang bunso.
The people present now are their closest—and youngest—family and friends, pati kaming ibang staff.
Dahil walang matatanda, it was fascinating to see all of these people break free from how they showcase themselves.
Tumayo kami at kinantahan ang dalawa. Hinila ako ni Tinang para lumapit, pero medyo nasa likod parin kami para magkakasama ang magkakapatid, pamilya, at mga kaibigan nila sa harap.
"Thank you guys!" Hinalikan ni Jamie ang kanilang bunso sa pisngi, pagkatapos ay tumalon kay James, halatang may tama ng alak kaya muntikan na siyang matalisod. "Happy Birthday to us!"
"Jay!"
Lahat ng magkapatid na Del Valle ay napalingon. Pinigilan ko ang pagtawa because that was creepy and funny at the same time. Lahat sila ay Jay ang nickname.
Tumawa rin si Gabriel na nagsalita para tawagin ang girlfriend niya.
"Happy birthday to my fave twin!"
Nagbalik sa kanya kanyang pwesto ang mga tao pero si Jamie ay tumatalon talon parin paikot sa kambal niya.
"I'm your only twin." Ngumisi si TJ pabalik.
Muntik na siyang matumba pero sinalo agad ni TJ ang braso niya, "Oh no, everything's all wonky."
"You're such a pain when you drink."
"Okay, up we go." Pumwesto na si Gabriel sa likod ni Jamie para sumandal sa kanya, "Are you okay Princess?"
Lumingon si Jamie pataas at ibinalik ni Gabriel ang tingin niya. An electric current passes between them, and I find myself caught in the way they watch each other.
Sa paraan ng pag tingin nila sa isa't isa, parang sila lang ang mga tao sa kanilang paligid.
"Yes, my love." She smiles.
Iniwas ko ang aking mata dahil pakiramdam ko may iniisturbo ako.
Sa pag-alis ng mga mata ko sa kanya, dumapo ito kay James. Nakatingin siya sa akin gamit ng isang emosyong hindi ko maipaliwanag.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
