Lumalapit siya sa kotse kung saan ako nakatago!
Natataranta na ako kung lalabas o hindi. Pinulot ko sa sahig ang scream mask at sinuot. Sumabay rin si Rossana at napayuko habang tinatakpan ang mukha gamit ang mahaba niyang buhok.
Makikita parin naman niya ako kung lalabas ako, kaya ginawa ko ang bagay na I hopefully think was for the best.
Pagpasok ni James sa kotse at nang magkatinginan kami sa rearview mirror, kitang kita ko ang maliit niyang talon nang makita ang isang grim reaper at sadako sa backseat ng kotse.
"Dude, you fine?" Sigaw ni Chance mula sa hood ng kotse.
"Yeah... yeah I'm fine." Sagot niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'min.
Umiling nalang siya at pinaandar ang kotse. Gumana naman, pero ilang segundo ay namatay uli. Ilang beses niyang pinapaandar ang kotse pero sa huli ay namamatay uli.
Ang motto ng kotse ay, I'm alive, but I'm dead. I'm alive, but I'm dead.
"How 'bout this? We take out my car's battery, exchange it with yours, then when it works we'll put back your old battery and mine to my car." Suggest ni Chance at napakunot ang noo ko sa pagtataka.
I whispered towards Rossana. "Hindi kaya mamatay ang kotse na'to pag tinanggal ulit ang battery?"
"It won't." Napatingin ako sa gwapong Ipis na nagsalita, ba't ba siya sumasabat sa usapan ng may usapan? Nakatingin siya sa'kin mula sa salamin habang nakapatong ang dalawa niyang braso sa manibela.
I glanced at the mirror and got scared for a second after seeing myself with the mask and Rossana beside me with her hair.
Tumingin ako kay Rose at muntikan na siyang masapak nang nakakatakot siyang lumingon sa'kin. Loka. Alam niyang natakot ako.
Pag hampas ko sa kanya ay napahagikhik siya at bumulong sa'kin, "Goodluck."
Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig niya nung una, pero bigla siyang lumabas ng kotse habang nakayuko at nataranta ako nang mapagtantong maiiwan ako mag isa kasama 'tong Ipis.
Nanlaki ang mata ko at sinundan siya ng tingin nang tumatakbo siya sa papunta sa likod ng kotse at naupo sa gilid ng kalsada. Traydor!
Pero 'di ko mapigilang tumawa nang makitang palapit si Evan sa kanya, "Rossana."
"You're the one who needs luck." I mouthed when she stared at me by the window.
Parang napana si Rossana sa nangyari at di siya makagalaw pero kinaya niya parin akong pagtaasan ng gitnang kamay, I sent her a flying kiss.
"Anong meron?" Natanong ni Lorraine habang lumalapit si Evan sa kaibigan namin.
I looked at my friends and they all look confused. Syempre lahat talaga kami mahihilo. Hindi naman kasi pinapakilala sa'min ni Rossana ang jowa niya—except sa ate niya. Alam naming Evan ang pangalan, but there's so many Evan in the world!
"Tinatakbuhan mo parin ako kahit alam mo na ang totoo?" He bent down to face Rossana who's still sitting at the side of the road.
Rose looked guilty nang humarap siya kay Evan, "Do you still want to be with me?" Hala naging pabebe ang kaibigan ko! Natawa ako sa nakikita ko. It's like I'm watching a movie, kulang nalang popcorn.
"Dude." Nagsalita si Chance pero walang pumansin sa kanya.
"What's happening?" I heard Rian at nakita kong tinanong niya 'yun kay Ellena na lumapit sa kanila.
Lorraine was also whispering with them pero dahil tahimik kaming lahat, rinig padin. "Siya ba ang boyfriend ni Rose?"
"I think you two should talk privately." Our Nanay finally spoke, facing the two of them. Akala ko iiwas si Rossana pero siya ang humila kay Evan at lumayo sa amin.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
