Strings 14: Their Ultimate Plan

137 11 0
                                        


Napadausdos ako sa sahig mula sa mga iniisip ko. Naalala ko ang sinabi ni Jamie, we might get assassinated from whatever information we put out there.

Pano kung totoo 'yun?

Napatalon ako sa pwesto nang marinig ang malakas na ringtone at napatingin sa cellphone ko. Putangina Lorraine ngayon ka talaga tumawag! 

Sinagot ko ang tawag habang nakatingala para tignan kung umalis ba talaga si James at ang babaeng kasama niya. Alam kong wala na sila pero kinakabahan parin ako. 

Pagtingin ko sa cellphone, ang butas ng ilong ko ang nakaharap sa camera kaya napaayos ako ng pwesto, "Nasan ka Lorrs?"

[Sa kwarto ako... what are you doing?] Tiningan niya ako ng mariin at pinagtaasan ako ng kilay, [Ba't ka nakadapa sa kusina?]

Bumulong ako at tumingala uli. Tangina, paranoid na'ko. "Nagtatago ako eh."

Natahimik siya na parang napapaisip kung ano nang nangyayari sa'kin, [...but why?]

"Tinataguan ko si James." Bulong ko uli.

[May something talaga sa inyong dalawa, may tension eh.] Rinig kong sagot niya at hindi ko nalang siya pinansin.

[Wait wait wait. What's happening?] Napabalik ang tingin ko sa cellphone at nakitang nasa tawag na si Rian. Lumapit siya sa screen at pinaningkitan ako ng mata, [Ba't mo tinataguan ang boss mo?]

[I think they like each other.] Kunwaring bulong pa ng isa.

"Putangina Lorraine wag kang magsalita ng bad words." Pinanlakihan ko siya ng mata pero napatigil ako nang lumabas ang mukha ni Ellena sa screen, hindi mapainta ang mukha.

[Helloo—Anong nangyari?] Rian gasped.

"What happened to you Rossana?" Sabay sabay kaming napatanong ng kung ano ano nang hinarap ni Ellena ang cellphone kay Rose na nakahiga sa kama, mugto ang mga mata kakaiyak.

Napatayo ako habang sumisilip sa dinaanan nila James at lumabas na ng kusina gamit ng backdoor para dumiretso sa kwarto namin ni Lorraine, [Yeah, it's unlike you to mope around and be sad.]

Hinawakan niya ang kumot niyang flowered print, [We fought...] She didn't have to say it all. Alam na namin tinutukoy niya.

[Nanaman? Kakabati niyo lang?] Lorraine raised her voice at napalingon agad sa kanya ang mata ko, yung isang 'to di talaga makaramdam minsan.

"Uy Lorraine." Saway ko. Di na ako nakatingin sa daan dahil nakatutok ang mata ko sa cellphone kaya natapilok ako sa isang stone step, "Ay putangina natanga pa."

[What happened ba?] Rian asked, concerned.

Imbis na si Rossana ay si Ellena ang nagsalita, and I was dumbfounded on the words she said, [Before she tells the story, kailangan namin sabihin na may bagong kinakasama si Mama.]

Kung may tubig siguro ako ngayon, nabulunan na ako. Napatigil ako sa may hagdan at napasigaw sa cellphone ko, "Hala? Pano si Papa mo?"

Umiling silang dalawa, [Hindi ko na rin alam ang gagawin.]

[Hindi pa siya sumasagot sa mga tawag namin.] Hikbi ni Rossana at napabuntong hinga nalang ako sa mga nangyayari. Their father is an OFW, hindi naman daw nag aaway ang mga magulang nila pero bigla lang pinaalam ng Nanay nila na may kinakasama na ito.

[But why did it lead to the two of you fighting?] Tanong ni Rian at panay ang tingin ko sa cellphone ko habang umaakyat sa hagdan.

[Nag inuman kaming tatlo kasama ang anak niyang lalake. Evan only saw the two of us at the bar nung umalis si ate, inakala niya nagloloko ako and we fought there. Hindi naman ganon si Evan, pero hindi ko kasi nasasagot ang mga tawag niya buong araw kaya siguro ganon na siya magisip.] She defended her boyfriend and stared at El who's beside her, exchanging a look.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now