Strings 38: Punishment

66 9 0
                                        

"Vernon! Christian!" 

Hindi nawala sa utak ko na huling kita ko sa dalawang 'to ay dito rin sa parking lot. Christian, unconscious, and Vernon, beaten up.

They each widened their stance seeing me but didn't come closer.

Guilt is a peculiar bitch, and grief is her twin.

One moment, you're fine, and the next, you're in pain as if the air has been knocked out of you.

Not that I'm fine, but I'm coping much better.

Hindi ako sigurado kung na-trigger ang luha ko dahil nakita ko ang dalawang agent na nadamay ng gabing 'yon at wala si TJ sa tabi ko.

"Ma'am may problema po ba?" Tanong agad ni Christian at umiling ako.

"Kamusta kayo?" Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Lumingon ako kay Vernon. He was the most beaten up, and he was used as a shield for bargain. "Are you okay?"

Tango lang ang sagot niya. He's always been the quiet one.

Napakamot ng ulo si Christian, "Sa totoo lang... disappointed ako na hindi ako nasama sa aksyon ma'am."

Christian jokes and I nod feeling like this is an out-of-body experience. I'm not listening. I'm relieved to see they're okay now. Because remembering the state I last saw them in... I blamed myself.

Because I was the reason they experienced all of that.

Inabutan ako ni Vernon ng panyo at nagpasalamat ako kahit pinupunasan ko na ang pisngi gamit ng palad ko. "Sorry. Simula nang malaman ko 'tong bagong buhay ko. Naging iyakin na ako."

"Ma'am 'wag po kayong mag alala. Mas gagalingan namin ang pag protekta sa'yo." Ngiti ni Christian.

No.

"I—" Binuksan na ni Vernon ang backseat para makapasok ako pero napatigil ako sa pwesto nang hindi ko mailabas ang gusto kong sabihin.

I don't want them to protect me. I don't want anyone sacrificing their lives for me. I don't want to live with this constant guilt and paranoia in my chest. I want to live in peace.

"...Sorry. Sorry nangyari sa inyo 'yon." Ang tangi ko lang nasabi.

Napatigil ang dalawa sa tono ko at nagkatinginan muna bago tumango si Vernon, "Ginawa lang namin ang trabaho namin."

Pagkasarado niya ng pintuan, sabay silang umikot para pumwesto sa harap at wala silang sinayang na minuto dahil umalis agad kami.

Sa gitna ng katahimikan, bumalik ang isip ko sa lalakeng kasama ko nitong mga nakaraang araw. Dahil kasama ko ang dalawang 'to, ibig-sabihin ba mawawala nanaman ng matagal si TJ?

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. "Si... James?"

Tiningnan ako ni Christian sa salamin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Sorry ma'am. Hindi namin pwedeng sabihin."

"Sorry ma'am. Hindi namin pwedeng sabihin."

Ces Vallis

Security and Management

Tulala akong nakatingin sa logo ng Ces Vallis sa loob ng lounge habang paulit-ulit ang boses ni Christian sa utak ko.

"Sorry ma'am. Hindi namin pwedeng sabihin."

Anong nangyari at hindi pwedeng sabihin? Tangina ng mga agent dito at sa walang tigil nilang 'confidential' na mga sagot.

Isang tasa ng kape ang humarang sa mata ko at napa angat ang tingin ko kay Hera na naka taas ang kilay sa'kin. "You look dead."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now