Strings 15: True Loves Kiss

184 11 0
                                        

Nagpalit ako ng itim na bikini at sinuot uli ang dark green kong cargo shorts. I kept my jet black hair in it's natural waves and parted my side bangs dahil humahaba na at tinatakpan na ang mata ko. I frowned in front of the mirror, pumayat ata ako sa pagtatrabaho sa mga Del Valle.

"Ang astig naman tingnan ng kaibigan kong 'to. So hot hot." Pang hhype ni Rian na may suot na mustard yellow bikini.

Napangisi nalang ako at hinawi ng malakas ang buhok, "Ako lang 'to sis."

Tumawa siya habang nag rretouch ng makeup sa nag iisang maliit na salamin dito sa loob ng cabin. Umupo ako sa malapad na higaan, biting my lip as I kept on contemplating if I should ask her the question. Tangina Scarlet isang tanong lang naman 'wag ka matakot, "Ri... may alam ka ba sa mga business ng mga Del Valle?"

"Hmm why are you suddenly interested?" Tinaasan niya ako ng kilay and I already know the detective friend side of her is overthinking right now. We stared at each other through the mirror, "You should ask Ellena about it, mas madami yong alam. I know they have a lot of business, like restaurants, the school, meron din ata silang shit sa media, and oh they have a security company."

Napatango ako sa sinabi niya. A security company.

"Why?" she asked, closing her go-to makeup kit at binalik sa bag na dala.

Umiling lang ako at humiga na ng tuluyan sa higaan, "Just curious."

"Well... if you're curious, ask your boss." she shrugged, "Una na ako ha."

Tinapik niya ako sa paa and I grunted to answer her. Ask my boss? Siya ang pinakahuling taong iniisip kong pagtatanungan kung ang pamilya nila ay sangkot sa illegal business.

I don't know how long I was inside the room. Pero lumabas ako dahil ang ingay na nila, naabutan kong tumatawa si Lorraine sa maliit na hallway habang hawak hawak ang door knob ng katapat na cabin.

"Anong nangyari?" I asked her at naririnig ko pa ang paghampas ng kung sino man ng nasa kabilang pintuan.

Lorraine snickered, "We locked Rose and Evan inside."

Kinabahan ako sa pinagsasabi niya, "Ha? Gago anong pinanggagawa niyo. Did El—"

"Shh. Ginusto 'to ni Rossana beh, 'wag kang mag alala." She calmed me down and I was just more dumbfounded.

"Ha?" Nalito ako. Kanina gusto niyang umalis bago ngayon... Ah ewan, bahala sila sa love life nila.

Tumawa si Lorraine, "She suggested it!"

Napailing nalang ako at umakyat sa upper deck kung saan ko naririnig ang malalakas nilang tawanan. I heard a big splash kaya sumilip ako mula sa railings at nakitang naliligo na sa dagat si Marianne at Ethan. Hmm may uuwing bagong dilig sa'min~ besides Rossana and her boyfriend of course.

Matagal nang huminto ang yate, we're now in the middle of the ocean while the clouds are perfectly hiding the sun's rays from us. Pumwesto ako sa may bar at umupo sa stool. From my view, I could see the two swimming in the water and the guys playing beer pong.

Seeing James laugh with his friends is oddly weird knowing that he was stabbed just two days ago. He's wearing a black sleeveless top, showcasing those side muscles of his na napaisip ako kung magaling na ba ang sugat niya para maligo sa dagat.

Napabuntong hininga ako ng tumawa siya nang may sinabi ang kaibigan niya. Hindi ako mahilig sa crushes or anything about that shit, pero hindi ko mapigilan ang pagkahumaling ko sa lalakeng 'to. 

Palagi siyang merong playful expression but I can't help but be intimidated by his existence, and knowing that he's somewhat acquainted to yakuzas, hindi na healthy 'tong curiosity ko sa pagkatao niya.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now