Strings 30: Chaos & Depression

186 9 2
                                        

warning: mature content (mentions of suicide)


Hindi kami naka alis agad kahit anong pilit namin.

Dahil sa insidente, the whole province is on lockdown and it took a day before we were given the green light to go and a whole day to travel. Escorted kami ng piling mga agent per TJ's instruction kahit hindi naman kailangan. Pero sabi nga niya, mahirap i-predict kung sinong mapagdesisyunang biktima ng Itasaki.

Kasama namin ang kambal na Ethan at Evan nang bumyahe kami diretso sa ospital mula sa pier—gusto rin sumama ni TJ pero kailangan niya asikasuhin ang insidente sa San Raigo.

Speaking of San Raigo, sabay na dumating sina Ethan at Marianne doon nung isang araw, at iyon ay isang kwento na hindi pa siya handang sabihin.

Ang bilis ng mga pangyayari dahil ngayon, nakatayo ako sa pintuan ng kwarto ni Lorraine, sinisilip ang natutulog niyang katawan mula sa bintana.

Napahinga ako ng malalim at pinunasan ang tumulo kong luha. I didn't notice the signs, what pushed her to do this?

Pakiramdam ko andami kong hindi alam sa kaibigan ko.

Lumingon ako sa iba, nakakalat kami ngayon sa waiting room. Nakatago si Rossana sa dibdib ni Evan, umiiyak si Marianne habang yakap ni Ellena, nakatayo si Ethan sa gilid at inoobserbahan siya.

Lorraine's mother died two days ago following her Dad's death. All their assets are automatically hers, but Lorry's aunts and uncles are filing a case saying she doesn't deserve any part of their company's shares.

Hindi ako sigurado kung ito ang rason kung bakit nagdesisyon siyang tapusin ang kanyang buhay, pero lahat ng mga 'to ay nangyari lang sa isang araw.

"Gising na po siya."

Mabilis akong napatayo sa sinabi ng nurse at nagkatinginan kami kung sino ang mauuna. Pumasok kami ni Marianne at nahigit ko ang aking hininga nang magkatitigan kami ni Lorraine.

Nakaangat ang kanyang hospital bed, may bandage ang kanyang kaliwang kamay, at namumutla ang kanyang mukha. Natural na mapusyaw ang balat ni Lorraine, pero ang mga labi at pisngi na dati'y kulay rosas ay ngayo'y kasing kulay na ng kanyang katawan.

"Hey."

"I'm sorry wala kami Lorry." Pinakiramdaman ko ang kanyang init at pulso nang niyakap ko siya, to think I could have lost her, one of the people I love that I can count on my ten fingers. Iniisip ko kung saan ako nagkulang and I want to thank God for giving us a second chance to help her.

"No don't..." Bulong niya at mas humigpit ang yakap namin ni Marianne.

Hinagod ni Rian ang likod niya, "Do you need anything?"

Umiling lang si Lorry namin at lumingon sa pintuan, "Asan sila?"

Knowing what she means, Marianne answers, "Nasa labas, they said only two guests at a time."

You know what? We're not good rule-abiders anyway.

Tumayo ako at sinundan nila ako ng tingin. Naka abang na ang magkapatid sa labas, waiting for their turn. Ang hirap pag marami kaming magkakaibigan, pag hindi kumpleto ay mararamdaman namin lahat ang kawalan ng presensya ng wala.

Dahil doon, pumuslit and magkapatid para magkakasama kami sa loob. Binuksan ko ang pintuan para papasukin ang dalawa.

Kitang kita ang ebidensya na umiyak si Rossana buong magdamag nang pumasok siya, "Buhay ka pa?" Binatukan ko siya sa bati niya pero mahinang tumawa si Lorraine.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now