Strings 21: Training

137 7 0
                                        

warning: mature content (guns and mentions of murder)


Awtomatikong napataas ang dalawa kong kamay habang naiilang na tumawa, para makita nilang hindi ako threat. "Pwede bang tanggalin mo muna ang pagtutok sakin ng baril?"

"Hope?" Nang mapagtantong ako ang tumatago sa sofa, binaba niya agad ang pagkatutok. "Why are you here?"

"Kilala mo to James?" The other guy gestures at me with his cigarette.

"She's..." Bago pa matapos si TJ ay nagsasalita na ako.

"Kasambahay lang ako!" Sigaw ko.

"Kasambahay? Are you sure?" Kumunot ang noo niya at humipak ng napakatagal sa sigarilyo. "Pano kung espiya pala 'tong babaeng 'to."

Huh?

Nagsimulang maglakad papalapit ang lalake at kada isang tapak niya ay napapabilis ang pagsasalita ko. "Ako? I promise tumulong lang ako sa pagbitbit ng gamit papunta dito, bago nagpahinga lang ng saglit. Tanong niyo pa sa kasama ko, si Allan." Buti pala tinanong ko pangalan niya, kailangan ko ng witness.

'Wag niyo ako patayin!

Inikot niya ang sofa na nagsisilbing harang ko sa kanila. Pag lapit ay mas lumakas ang amoy ng sigarilyo na nanggaling sa katawan niya, kumunot ang mukha ko. "Veteran spies can say that."

"If I'm a veteran spy, then I'm bad at hiding, nakita niyo na ako agad." Naiinis ako sa galaw ng balbas niya kapag nagsasalita siya. Napalingon ako kay James, hindi naman siya naniniwala sa theory ng isang 'to diba?

This guy smiles and takes a long puff of his cigarette while dragging his feet, getting closer to me.

"Marcus." Nagsalita si James, tunog nagbabanta kaya tumigil agad ang mama.

"Nah, I'm just playing pretty girl." Tumawa siya at lumingon kay TJ. "Pag usapan nalang natin 'to sa ibang araw James."

Dumiretso na siya sa pinto pagkatapos, habang nakatulala pa rin ako sa pwesto ko. Pakiramdam ko, pumasok ako sa isang mundo na hindi dapat. Lumingon ako kay James, "I'm sorry."

Inaayos niya ang mga baril sa lalagyanan, hindi nagsasalita at napabuntong hininga ako sa pagkawala ng kaba, "Sino siya?"

"He's the least of your concerns." Tumayo siya ng tuwid, hawak ang briefcase sa kaliwang kamay at tinitigan ako. "Scarlet, you signed an NDA, but I need your confirmation na wala kang pagsasabihan sa nakita mo. Lalo na mga kapatid ko."

"I promise." Mabilis kong sagot.

Tumango siya at naglakad na para umalis, pero sinundan ko siya. This is one of the rare times I see him seriously scary from his mood alone.

"Hindi to alam ng mga kapatid mo? Even Kuya Sky?" Tingnan niya ako at kumunot ang noo niya. Nakatingin siya sa akin na parang ang hirap kong intindihin.

Same here, bro. Hirap mo basahin.

"Siya lang ang nakakaalam." Sagot niya.

Lumabas kami ng bahay at sumalubong sa amin ang maulap na langit.

"James... ano ba talaga trabaho mo?" Hindi ko kailangan malaman, pero gusto ko malaman ang mundo niya. Ang mundo niya simula nang nawalan kami ng komunikasyon noong bata pa kami.

Hinihintay kong lumingon siya, pero imbis na sumagot ay naglakad siya papunta sa shooting range. Malawak ang espasyo ng lugar pero ang mga gilid ay napapaligiran ng mataas na lupa at mga bato.

"Huy, naririnig mo ba ako?" Tanong ko habang inilalagay niya ang briefcase ng mga baril sa isang lamesa.

"Loud and clear, baby." Ngumisi siya at lumingon sa'kin. "Hindi mo kailangan malaman."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now