Pagkadating ni sir Archie ay si Jane lang ang masayang sumalubong sa kanya with matching yakap, "Daddy!"
Tumayo si Manang para kunin ang gamit nito at sumunod sa kanya si Tinang. Nagkatinginan muna kami ni Lorraine bago sumunod. "Anong gagawin?" Bulong niya sa akin at napailing ako.
Jusko 'di ko alam, sumusunod lang din ako.
"Handa na ang pagkain Archie." Sabi ni Manang at tumango si Sir pagkatapos ay bumaling samin.
"You're the new ones right?" Lumingon siya sa'min and I felt like I was back in school, being asked by a professor.
We nodded at his question and I stood up straighter, "Opo."
"Yes po." Sagot ni Lorry.
Nakasuot ang matandang Del Valle ng Amerikana at may hawak na briefcase, na kinuha naman ni Manang. Wala itong masyadong puting buhok at fit pa rin siya, pero kitang kita sa mga mata niya ang stress at pagod sa trabaho.
"I'll talk to you tomorrow about the contract." Sabi niya ulit at tumango kami. Umikot ang paningin niya sa mga anak niya at kumunot ang noo. I followed his gaze, akala ko may papagalitan siya, "Si James?"
"Wala pa Dad, baka bukas pa ang balik non." Sagot ni Jamie at tumango ang Daddy nila.
James? James ang pangalan ng kambal ni Jamie? Bakit andami namang James sa planet Earth? Alalahanin ko ngang i-google kung ilang persyento ang James sa mundo.
When we all retired in our rooms, both Lorraine and I resided in the room beside Manang and Tinang, at 'di ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kanina, "Ang cute ng magkakapatid no."
Lorraine hummed habang nag aayos siya ng mga damit sa cabinet, "Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid." I hear her mutter at tumango ako.
Tapos na akong mag ayos, maligo, at lahat ng kailangang seremonyas bago matulog, pero hindi parin ako makatulog. Nakahiga lang ako hanggang sa napansin kong pinatay na ni Lorry ang ilaw.
Napalingon ako sa side niya, "Lorrs?"
"Pula? Bakit?" Narinig ko siyang magsalita at bumalik ang tingin ko sa kisame.
Napailing lang ako at napabuntong hininga, "Wala lang. What do you think about this day?"
Ilang segundo din siyang tumahimik bago magsalita, "It's fine. Mukhang mabait naman silang lahat at ang laki na ng bayad for our job. So I might stay longer here." Iniiwasan kasi ni Lorraine makapasok sa mga corporate jobs kasi baka mahanap siya ng parents niya. Tumango ako, because I might stay longer too, "May sasabihin din pala ako sayo."
Tumaas ang kilay ko at napatingin sa kanya to tell her to go on, pero 'di niya pala ako nakikita dahil madilim kaya nagsalita ako, "Ano yun?"
I hear her sigh, "That day we panicked na hindi ma contact si Riri... Nakipagkita si Tito Emil sa'kin, at sinabihan akong pwede na ako bumalik ng bahay. If I go back, hindi ko na kailangang magtrabaho pero mas gusto ko pang gawin 'to kaysa bumalik. Am I a bad daughter? Is it wrong to feel this way towards them?"
Napanganga ako, matagal na pala to kung 'yung araw ng sleepover namin kay Riri nangyari. Napahinga ako ng malalim bago sumagot, "There's a fine line between bad and good, it just depends on which side you're on... and I think you're not a bad daughter Lorry. I also think they're not good parents."
Mga ilang minutong katahimikan ay napa silip ako sa kanya, "Lorraine?"
Hindi siya sumagot, at napanguso ako. Tulog na siya? May pa word of wisdom pa ako, tinulugan lang niya.
I sighed. Masyado akong naninibago sa lugar para makatulog agad. Bumangon ako, kailangan ko ng tubig. I stared at Lorrain's bed for a second before slowly leaving the room.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 10: James
Start from the beginning
