Strings 10: James

Start from the beginning
                                        

Ngumiti ako, "Syempre oo."

I have a yarn bracelet na naka burda ang pangalan ko, hindi na kasya 'yon sakin pero nakatago 'yon sa bahay, and Nana said that my biological mother gave it to me. 

Besides that, wala na akong nakuha or nakita tungkol sa kanila. I've always asked Nana and ate Beauty about them pero habang tumatanda, napapansin kong nahihirapan na silang sagutin lahat ng mga tanong ko dahil lahat ng sagot ay hindi nila alam. Kaya hindi na ako nag abalang hanapin pa sila.

I'm curious of course, pero hanggang ganon nalang 'yun. Kuntento na ako sa dalawang taong nag palaki sakin.

Biglang tumahimik si Jamie nang hindi na ako nagsalita, alam kong nakokonsensya siya kaya bigla kaming na-awkwardan, and I think she felt that, because she diverted the topic, "Did you know, I grew up in San Raigo."

"Oh?" Gulat na bulalas ni Lorraine at napahinga ako ng maluwag nang mabilis na bumago ang usapan.

Though I'm still shocked na parehas kami ng probinsiya. Pero dapat 'di na ako nagulat, may branch ang SCU doon. "Yeah. Our lola— mom's mom, owns a house. So we practically grew up there." Jamie gushed.

"Talaga? Sino?" Tanong ni Lorraine bago pa ako magtanong, maliit lang ang San Raigo kaya parang ngang kilala na ng mga tao ang isa't isa.

"Si Lola Divs? Divina Gonzales." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong bahay?! May ari ng rancho yon! Halos mga lupain doon ay pag mamay ari nila!" My goodness, may iyayaman pa ba ang mga taong to?

She chuckled, "Yeah... pero it's just me and my older brothers. Jaceon and Cici grew up here."

Natapos ang usapan namin nang pumatak na ng alas sais ng gabi dahil kailangan nang ayusin ang hapag. Bago non, nilagay namin ang mga gamit sa tutuluyang kwarto. 

I looked around admiring the room. Puti ang kulay ng mga pader, at kulay abo naman ang tiles. May dalawang single beds sa magkabilang sulok na may bedside table, at isang malaking cabinet sa harap ng mga higaan, meron pang sariling banyo ang kwarto.

Sinuri ko lahat ng natitirang espasyo, natutuwang napatango kay Lorraine bago bumalik sa main house para tumulong. Pagbalik ay nakita naming nag aayos si Manang sa isang napakahabang lamesa at tumulong kami, "Ilagay mo 'to sa kabilang dining room."

"Po?" Inabot niya ang mga pinggan sa'kin at napatanong ako sa tinutukoy niya. 

Nginuso ni Manang ang informal dining room na katabi lang din ng kusina. Tumango ako at lumabas para pumunta doon kaya nakita ko si Jane na tumatakbo hawak ang cellphone pababa ng hagdan, papunta sa mga ate at kuya niyang nakatambay sa receiving area.

"Daddy's coming home!" Walang naging reaksiyon ang mga kapatid niya kundi tumingin lang sa kanya at bumalik narin sa mga ginagawa.

Parang sanay na sanay na sila sa ganitong eksena habang si Jane ay patuloy parin ang pagtatakbo patungo sa kanila. Tumalon siya sa tabi ni Jaceon at itinaas ang dalawang paa para ipatong sa hita ng kuya.

"Massage." Sabi pa niya at ginalaw galaw ang mga daliri ng paa. Sinamaan siya ng tingin ni Jaceon pero minasahe niya parin 'yon sa huli.

Napangiti nalang ako at nag patuloy sa paglalakad, "Palagi ba silang ganto?" Tanong ko kay Tinang nang dumaan siya at ngumiti lang siya bilang oo.

Nang naayos na ang pagkain sa lamesa ay hindi parin sila kakain dahil hihintayin daw nila ang kanilang Daddy. Apat kaming nandito sa kusina, hinihintay na dumating si Sir. Pormal na rin kaming napakilala sa lahat, si Manang Perlita at ang anak niya na si Tinang—Christine ang pangalan niya pero Tinang ang tawag sa kanya ng lahat at dalawang taon lang ang tanda niya sa'min.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now