Napailing si Jamie, "Okay, that's a bit rude. Sorry. What I meant was, it's weird, hindi ka ba nila pinapabalik? You are their only daughter."
Umiling si Lorraine at pinagpag ang kamay niyang may crumbs ng cupcake. "I don't know what they want, and honestly, I just want to live my life."
"Can I ask what happened in the drug incident?" Tanong ni Jamie habang nagpupunas ng kamay sa nakasabit na pamunas, "The news didn't reach outside, pero nalaman parin ng council."
Bigla kong naalala na may ari nga pala sila ng SCU, of course they would know.
Napatingin ako kay Lorraine nang magsalita siya, I couldn't believe she was telling the story. If she's telling the story, it would mean she's comfortable with her. To think na ilang oras lang kami nagkakilala pero ganito na siya magkwento.
"Did you explain?" Nakatingin lang ako kay Jamie na mariing nakikinig kay Lorraine. She was leaning on the counter like a child waiting to hear a bedtime story.
"I did. They didn't listen, ang nasa isip lang nila ay ang mangyayari kapag nalaman ng media dahil election period nun. It's not mine but they didn't believe that. Hindi ko alam kung sino ang naglagay sa bag ko but hell, it wasn't me."
Naalala ko pa 'yun. We didn't know she left, kinuha din kasi ang phone niya. Nang macontact namin ang isa't isa, ginawa naming goal na ibalik si Lorraine dito.
Wala naman siguro kaming karapatang gawin yun, pero best friend namin siya at hindi niya deserve ang buhay na yun, ginagamit siya na parang kalabaw para pagkakakitaan.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nila Tita at pinalipat si Lorraine sa Ninang niya, alam naman nila ang ugali ng matandang 'yun. Every parent has their own way of disciplining their child, but I do not understand theirs.
Mga ilang minuto pa silang nag uusap ng tumuon ang pansin sa'kin ni Jamie habang nakahalumbaba. "Ikaw Scarlet, hindi ka ba nanghinayang? Isang taon nalang dapat tapos ka na."
Ngumiti ako, pero ngiwi ang lumabas. "Syempre nanghihinayang."
"But why did you stop? I know it's because of your mother pero isang taon nalang naman eh. Hindi ba talaga kaya? Why don't you apply for scholarship? You're smart Scarlet, I read your files." Napangiti ko sa sinabi ni Jamie but then I shook my head at her.
"Hindi ako pumasa. Tsaka mahal parin miscellaneous fees at mas kailangan ni Nana ang pera para sa operasyon niya at mga gamot."
Kaya ko namang huminto muna eh, kaya kong maghintay at magipon muna para mag aral. Hindi biro ang kondisyon ni Nana at hindi rin pwedeng pa hinto hinto ang mga maintenance niya, mas importante siya kaysa sa pag-aaral ko. Besides, hindi naman tatakbo ang SCU sa akin.
Ngumuso siya at tinitigan ako, I don't know if she's thinking about something or looking at my face. Mga ilang minuto niya lang akong tinitingnan.
"Your parents are so dumb for leaving you." Mabilis pa sa pag takbo sa asong ulol akong napatingin sa kanya.
Lumaki ang mata niya, realizing she said that out loud. Natatarantang nagpaumanhin si Jamie habang tinatakpan ang bibig niya, "I'm so sorry."
Napangiti ako kahit may konting kirot akong naramdaman sa puso ko, "Okay lang, natanggap ko naman na bata palang ako."
Na a-appreciate ko naman ang concern niya kahit nagtatrabaho lang kami dito. To think na ilang oras palang kaming nag uusap.
"Aren't you curious about your parents?" Nagkatinginan kami ni Lorraine and I know she's thinking if I'm alright talking about this.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 10: James
Start from the beginning
