"Ate Beauty, hindi po ba ako pwede maiwan?" Pinasok ni Ate Beauty ang mga bagahe namin sa taxi. Aalis nanaman kami, pangatlong beses na 'to.
Tinaasan niya ako ng kilay na naghihintay sa gilid niya, "At sinong kasama mo dito bebe?" Ginulo niya ang buhok ko at hinila palayo para masarado niya ang nakataas na parte ng kotse.
"Sila TJ! Malaki ang bahay nila eh." Tinawanan niya lang ako at umalis para lumapit kila tita-mommy na nakaabang sa sarili nilang kotse at kausap si Nana. Magpapaiwan na ba ako?! Yey!
"Aalis na ho kami. Scarlet, magpaalam ka na." Tinawag ako ni Ate B at napasimangot agad ako, hindi ba ako pwede magpaiwan kila TJ?
Lumingon sa'kin si Tita-mommy bago kay TJ na marahan niyang tinulak pa-abante, "Kuya, this will be the last time you'll see Hope. Say goodbye to her."
"It's not the last! Babalik ka naman diba?" Matagal akong tiningnan ni TJ at hinarap ko agad si Ate Beauty para hawakan ang damit niya. Hindi pwedeng hindi kami babalik!
"Ate, babalik tayo diba?" Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyon niya pero lumingon siya kay Nana na nakatingin lang din sa'kin. Tumango naman siya kaya sabay kaming napasigaw ni TJ.
"Yey! Mag play uli tayo ng mas marami pag umuwi ka ha." Hinawakan niya ang kamay ko ng mas mahigpit at tumango ako ng mariin habang nakangiti kay TJ. Madami na akong naiisip na larong gagawin namin pagkabalik ko!
Hinawi ng mommy ni TJ ang nagulo kong buhok kaya napalingon ako sa kanya. Maliban kay TJ, Rian, Lorraine, Ellena, at Rose, isa siya sa mga taong ma-mi miss ko. Ang bait bait niya kasi sa'kin. "Ingat ka, Hope."
"Thank you po mommy!" Natawa siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit but it made her pinch me in the cheeks.
"Cute mo baby. Pahingi nga ng kiss para sa bbye." She knelt down at itinuro ang kanyang pisngi so I immediately ran up to kiss her cheeks and hug her tightly.
"Bye bye po. Babalik po kami agad!" Tumawa siya sa sinabi ko. Sumiksik sa'min si TJ at niyakap din ako. We couldn't help but giggle at each other while his mother embraced us tightly with her warmth.
Kahit napunta nako sa ibang lugar, nakakausap ko parin siya araw araw. Umaasa sa panahong magkikita uli kaming magkaibigan. Kahit na napagtanto naming wala akong tsansang bumalik sa San Raigo. "Hindi ka naman nakikinig eh!"
"Nakikinig kaya ako! May tenga ako, Hope." Rinig ko ang malakas niyang buntong hininga habang naglalaro siya sa computer. Ang galing talaga ng parents ni Tj, meron kasi sila lahat ng gamit na hinihiram pa namin sa kapitbahay. "Hindi ka na talaga babalik sa summer?"
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Ang dulo ng bibig ko ay mapapantayan na ang sahig sa pagkasimangot. "Sabi ni Nana mahal daw ang balikan eh." Ang hirap naman maging mahirap.
"Pano yan? Dad said after we go back from L.A., we'll be staying in our house at the city. Ibig sabihin hindi tayo magkikita sa summer." Napasimangot ako.
"Mukhang hindi ko na uli kayo makikita." Nanghihinayang kong sagot. Palagi nagpapadala ng pictures sila Lorraine, Marianne, Rossana, at Ellena na magkasama. Ang lungkot na hindi ako kasama sa mga nakuha nila. Hindi ko narin gets kung anong pinaguusapan pag tumawag kasi wala naman akong kilala sa mga kwento nila.
"I can always go to you if you want. I can ask mommy." Napangiti ako at kinamusta si Tita-Mommy. Nagpadala siya ng maraming barbie dolls at sewing kit nung nalaman niyang mahilig ako roon eh.
Gusto ko na tuloy ipakita yung bagong gawa ko! I made six barbie clothes!
Na-mi miss ko na silang lahat!
~ ~ ~
What I didn't know at the time was that that was our last conversation. We lost contact, and I thought he was angry because I couldn't go back to San Raigo.
But thinking about it now, the time matches. That tragic incident must have happened during the time I couldn't contact him.
My tears fell as I reminisced about it. I wanted to smile, I wanted to laugh from meeting him again, meeting them again... but...
Ceara Janette.
She was a mother to me, and I didn't know her full name then. Eventually, I forgot her as time went on, and now, knowing she died in such a tragic way... it fucking hurts.
This has unlocked emotions in me I didn't expect I would feel for someone I never got to spend time with that long. But the thing is, maikli lang pero she created such an impact in my life to the point na isa siya sa dahilan kung bakit hindi ko talaga hinahanap ang parents ko.
"Putangina." Mura ko habang pinupunasan ang sariling luha. I never got to say thank you for everything she did. I felt so sorry and thankful for their family, and angry at the people who did this to them.
I shakily exhaled at nang segundong 'yon, napalingon ako sa pintuan at bahagyang kinabahan nang makitang nakatayo roon si James... my TJ.
This is fr the hardest chapter to write but my favorite
༎ຶ‿༎ຶ
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 17: Revelations
Start from the beginning
