Strings 17: Revelations

Start from the beginning
                                        

"Iba ka naman eh!" Rinig kong sigaw niya at hinabol ako, pero mas binilisan ko pa ang takbo.

Dumalang nalang ang paglalaro namin ni TJ nang maging kaibigan ko si Lorry at Rose. Pero tuwing weekends, hinahatid ako ni Ate Beauty sa tabing dagat dahil malapit 'yun sa bahay nila at kasama namin palagi ang Mommy nila.

May mga puting upuan sa ilalim ng malaking umbrella kung saan sila palagi nakapwesto. Jamie stayed by her mommy's side but TJ and I always swam in the ocean or built Sand castles.

Maliwanag ang araw pero hindi ako pinapagalitan ni Ate Beauty na maglaro sa initan dahil andyan ang Mommy nila. Kaya gustong gusto ko siya makasama eh hihi. "Where are her parents?"

Rinig kong tanong ng mommy nila at napatingin ako kay Ate Beauty para abangan ang sagot niya. Lumingon siya sa akin at mabilis na napayuko nang makitang nakayuko ako, "Ah h-hindi po ako sure, iniwan lang po siya samin."

Sumimangot ako sa narinig at bumalik sa paghuhukay ng buhangin, "I wish meron din akong mommy and daddy."

"Bakit wala ka bang mommy and daddy?"  TJ scooped up a huge amount of sand to rebuild the sand castle. Napakibitbalikat lang ako sa tanong niya, hindi ko rin alam eh. "If you don't have one, my mom and dad can be your mommy and daddy."

"Pwede ba 'yun?" I questioned it, but I was excited, and TJ wasted no time.

"Mommy!" Tinawag ni Tj si Tita para makuha ang atensyon nito, and they all raised their heads at us, "Hope can call you mommy right?"

"Kuya..." Surprise and confusion were dancing along her features while I stared at her with a hopeful look in my eyes. Kaulaunan ay ngumiti siya, "You can call me anything you want baby."

"Yey! Parehas na tayo ng mommy!" Napangiti ako at pumalakpak si TJ.

Umalis lang kami ng sandali dahil pinipilit kami nila Mommy at Ate B na umalis sa initan para kumain, pero bumalik kami agad pagkatapos. Nasira uli ang sand castle!

"Kailan kayo aalis?" Umangat uli ang tingin ko mula sa pagkakaupo sa buhangin nang marinig ko ang tanong ni Mommy. Nginunguya ko pa ang binigay ni Ate Beauty na pasas.

"Malapit na ma'am." Napanguso ako sa narinig kong sagot ni ate.

Sa panahong 'yon tumatakbo na pabalik si TJ sa tabi ko habang daladala ang baso laman ng kinuha niyang ng tubig dagat, "Bakit uli kayo aalis?"

"Lilipat daw kami sa ibang bahay." Binuhos niya ang tubig sa nahukay kong buhangin, "Kulang yan."

Ako na ang kumuha ng tubig dagat dala ang isang bowl, pagbalik ko ay inaabangan ako ni  TJ. "Then you can live with us! We have a huuuge house at kami lang nakatira doon. Mommy can they live with us when they leave their house?" Lumingon siya kay Mommy and I smiled, yey makakasama ko sila araw araw!

"Kuya, hindi sila pwede sa house natin. Malayo na ang titirhan nila." Mabilis akong napasimangot.

Nagkatinginan kami ni TJ at nakasimangot siya, "Malayo? Ibig sabihin ba hindi na kita makikita? Bakit kailangan mo umalis?"

Nagtaka rin ako. Bakit hindi sila umaalis sa bahay nila? Bakit kami palaging palipat lipat?


Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now