I nodded eagerly. She seemed kind and wala akong mga kaibigan dito!
"What's your name?" She smiled.
Lumapit si TJ at hinawakan ang kamay ko, "She's my new friend mommy! Her name is Hope."
"Okay, hi Hope, nice to meet you." She fixed my hair, and I liked the smell of her hand. It's fruity. "Nasaan ang mommy mo? baka hanapin ka niya."
Nagtaka ako sa tanong niya so I frowned while shaking my head. "Wala po akong mommy."
Napatigil siya sinabi ko at napaisip agad ako kung ano ang nasabi kong mali. "Oh. Uhm that's okay, do you have your daddy, or lola and lolo?"
"Sino po 'yun?" Wala akong ganon pero kailangan ba meron?
Napatango nalang siya. "Sinong susundo sa'yo anak?"
"Ate Beauty ko po!" Ngiti ko sa kanya.
She smiled back and stood up. Hinawakan niya ang isang kamay ko para hilahin ako papunta sa kotse nila. "Okay, then let's wait for her? Is that okay, kuya?" He and I cheered while we played inside their car habang naghihintay kay Ate Beauty na dumating rin ng mga ilang oras.
Hindi ko alam kung pano nangyari, pero palagi na kaming magkasama. Minsan hinahatid ako ni Ate Beauty sa bahay nila para makipaglaro. Kahit habang papasok sa classroom, hinihintay ko siya sa waiting shed dahil palagi akong nauuna.
The moment he sees me standing over on the side, he ran next to me and hugged me tight. "Hope!"
Masaya ko siyang niyakap pabalik habang tinitingnan ko Mommy niya sa likod niya. I smiled at her shyly, "Hello po!"
"Parang hindi kayo nagkita kahapon ah. You missed her?" She chuckled and side-stepped para makita ko ang kambal ni TJ. I smiled at her and waved but she was shy, tumago siya sa likod ng mommy niya kaya napanguso ako.
Nasa ibang section siya kaya hindi kami masyadong nagkikita pero gusto ko siyang ipakilala sa mga kaibigan ko! Sure akong masaya 'yon!
"Tara, let's go to your class, ate." She patted her daughter's head and I looked up at Tita, my eyes in awe as I see the way she takes care of her. Gusto ko rin ng mommy. "Will you be okay here, kuya?"
Tumango si TJ sa tanong and I grinned at him nang may maalala ako.
"TJ, may gift ako sa'yo! Ako gumawa nito." Hinukay ko ang barbie backpack ko and raised the bracelet with white, pink, and blue stars. "Look! Dinagdagan ko pa ng stars kasi ikaw ang first special friend ko!"
Inabot ko ang kamay niya para isuot ang bracelet pero nakasimanot siya, "But this is what girls wear."
I pouted, "Pag ayaw mo, edi wag nalang." Hinila ko uli ang kamay niya para kunin ang bracelet pero umiwas siya sakin.
Tumalikod pa siya at prinotektahan ang kamay niya. "Who told you I didn't like it?"
I smiled. "Tama, dapat lang! Lima lang ang ganyan sa buong mundo."
He turned and glared at me, "Bakit lima? Akala ko special ako!"
"Ibibigay ko 'yung apat sa mga bago kong kaibigan, ipapakilala kita sa kanila, then mag play tayo." I learned a lot of new games, excited na akong ituro kay TJ lahat!
"Ayaw ko! Puros kayo girls." He looked disgusted at nauna saking pumasok ng school.
Sinamaan ko siya ng tingin at mas binilisan ko ang lakad palayo. "Girl din naman ako!" Ayaw niya pala ng girls ha!
ESTÁS LEYENDO
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 17: Revelations
Comenzar desde el principio
