Strings 19: TJDV 752

Start from the beginning
                                        

"Sabi niya ingat daw tayo." She said, reading it from her phone before standing in front of the floor-length mirror. "Kuya do I look okay? Mas maganda ba ang sandals na to or should I wear my crocs?"

"You look fine with anything Cici." Automatic sagot ni Jaceon habang binibigay ang bagahe niya sa isang agent na nagbubuhat ng gamit papunta sa van.

"Galing mo naman pumili. I'm asking you to choose what you think is the better option!"

Napangiti ako sa sarcastic niyang tono at hinila ang cart na naglalaman ng mga gown at suit nila sa event.

"Is Ate Lorraine still not back? She was really good at picking what was best for my clothes. I want her back na agad ate." Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi ni CJ and I couldn't help but furrow my eyebrows. 

"Jane, her father died, her mom is in the hospital and you're still thinking about your clothes?" Nakita kong napailing si Jaceon bago nilayuan ang kapatid niyang umaarte pa.

Hindi ko na pinakinggan ang pinaguusapan nila. I let out a huge exhale, I shouldn't judge a kid... but I'm currently judging her.

Nilabas ko na sa pintuan ang cart at tumulong sa mga nagbubuhat para mailagay ang mga damit ng maayos sa kotse. May isang van na naglalaman ng mga gamit lang, kaya nilagay ko na rin ang bagahe ko dito. Pati electric sewing kit dala ko just in case.

Dahil palabas narin naman lahat, nauna na ako maglakad sa parking area. Hindi ko parin mapigilang mamangha sa laki ng garahe nila, it's an oval shaped roof and has glass walls.

Pagpasok ay napasipol ako sa dami ng kotse. Kaya traffic sa Pilipinas eh.

"I'm sorry for my sister." Nagulat ako ng marinig ang boses ni Jaceon sa likod ko. Nakasunod na pala siya sa paglalakad, and far behind him I see all of them walking towards here. Hindi ko man lang sila napansin. "Alam kong magkaibigan kayo ni Ate Lorraine, and what she said, it was insensitive."

I sighed from his words, "Hindi mo naman kailangang mag-sorry para sa kapatid mo."

Tumango siya and walked pass me. I stared at his back, at a young age mas matangkad na siya sa mga kuya niya and he knows how to deal with this kind of situation. He's a good kid, napangiti ako—pero napahinto sa paglalakad nang madaanan ang isang pamilyar na kotse.

A black car with white stripes on the side.

Tangina? I gasped as I turned towards its rear to see the plate number.

TJDV 752

"Kaninong kotse to Jaceon?" I called him back.

Lumingon lang siya sa akin at sa kotseng tinitingnan ko, "Kay kuya.'"

"Kuya... James?" I waited for his answer and he nodded.

TJDV.... Timothy James Del Valle.

I scoffed from the obvious letters na ngayon ko lang narealize.

Pinaglalaruan na talaga ako ng tadhana gamit ang pangalan niya sa iba't ibang anggulo ng buhay ko. "Unfortunately, someone scratched it so he doesn't drive it now."

"That person is fucking evil. Poor beauty." Napunta na sa tabi ko yung jowa ni Jamie as he caressed the car. Shuta ang tangkad. "Does he know who did it bro?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now