Strings 14: Their Ultimate Plan

Start from the beginning
                                        

[Parang nakaka gago naman yan, paulit ulit.] Lorraine muttered.

[Talk to him, Rose. It's only another misunderstanding that can be resolved if you two talk.] Marianne's voice was motherly as she put some perspective on her mind.

[I know, but...] she sighed. [Pwede bang 'wag muna natin siyang pag usapan.]

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nang sinabi niya 'yun at sumiksik sa tabi ni Lorraine na nakaupo sa kama, "You reek of sweat Scar!" Mas lalo pa akong dumikit sa kanya para asarin siya. 'Di naman ako nangangamoy, gusto niya lang ako asarin kaya ansarap 'din niyang kulitin eh.

Natahimik kami ng ilang sandali bago nagsalita si Lorraine, "Okay. I'm sorry for this guys, but... Ano na ang mangyayari kay Tita at sa lalaking 'yon?"

We all looked at each other. Thinking about the same thing. [Well, they're not going to stop their plans.] Ellena shook her head.

[Pano si Papa niyo?] I heard Rian's small voice and I know she's heartbroken. [I hope na ma-contact na siya.]

Ellena's and Rossana's father is like our second father. Well, for me, he was my first one because I don't have one.

[Nakaka putanginang sitwasyon 'to.] Tumahimik kaming lahat sa sinabi ni Rossana, at makalipas ang ilang segundo, nag-uusap kami tungkol sa mga pinaka-random na subject para lang mag-update sa mga buhay namin. [Kamusta pala diyan? Anong nangyari nung mga nakaraang araw? Kamusta yung mga magkakapatid?]

"Pumirma kami ng non-disclosure contract so wala kang mailalabas sa'min Rossana." Ngisi ko at nanlaki ang mata niya sa narinig.

[Ay weh? May pa ganon pa sila. Ganon ba kapag richy.] Tumaas baba ang kilay niya at inilingan siya ng ate at kinuha ang cellphone sa kamay nito.

[Papatayin ko na 'to, pupunta pa ako sa trabaho. Usap nalang tayo sa susunod ha. Bye.] She waved and faced the camera back at Rose.

[Okay. Stop crying na Rossana.] Napangiti ako kay Rian.

"Love you Roooose!" Sumigaw naman ako kaya napangisi ang kaibigan naming nakabalot parin ng kumot.

[Alam ko. Mahal ko din sarili ko.] Ngisi niya sabay patay ng tawag.

"Aba putangina?" Nawala ang magkapatid at naiwan kaming tatlo kaya napailing ako habang humahalakhak si Lorraine.

[I don't want to be nosy but we have to do something about that.] Napakunot ako ng noo sa biglang singit ni Rian at na eeskandalo ko siyang tiningnan mula sa screen.

Pinatay ko ang tawag at nakisilip nalang sa cellphone ni Lorraine at tiningnan ng mariin si Rian, "Do something? Pipigilan ba natin ang relasyon ni Nanay?"

Nakita ko siyang napatigil sa ginagawa at tiningnan ako ng nakakunot ang noo, [No dummy. Of course about Evan and her.]

I sighed. We're not going to do anything about it at baka mapasama pa ang mga nangyayari. "She's Rosanna, she'll get over it."

[But she can't get over it! Nag away lang sila, they didn't break up.] May hawak si Rian na gulay at naduro niya 'yun sa camera. Hindi ko alam kung petchay o cabbage 'yun pero natawa ako ng slight.

"Rian we shouldn't mess with their relationship," Sagot ni Lorraine at tumango ako sa pag sang-ayon.

Marianne exasperatedly sighed and looked at the both of us disappointedly habang pinanlalakihan pa kami ng mata. [We're not 'messing' with it. We're helping! Well, I want to help.]

"Why would you help? It's their relationship." Patuloy sa pagsasalita si Lorry na parang kinikilabutan talaga siya sa kung ano ang nasa isip ni Rian. 

Kaya nga eh! Nakakatakot kaya. We might mess their relationship if we try too hard to fix things. They could work things out by themselves, hindi naman sila bata.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now