Pagdating ko sa kwarto, hindi ko nakita si Lorraine kaya hindi ko alam kung nasan siya sa kasalukuyan. Hinubad ko ang flannel shirt at cropped top na suot para palitan ng uniform namin.
Bumaba ako sa ground floor kung nasaan ang laundry area. Napabuntong hininga ako sa bundok na damitan. Nakatupi naman na ang lahat at nakahiwalay sa kani-kanilang basket kaya ang kailangan ko lang gawin ay buhatin ang lahat ng 'to at dadalhin sa fourth floor.
Putangina ang bigat.
Buti nalang may elevator, kundi mababali na spine ko sa gitna palang ng hagdan. Sabi ko pa nga magiging fit ako sa pagtatrabaho ko dito eh.
Tapos ko nang ayusin ang basket ni Jaceon at Jane. Iniwan ko ang basket ni Jamie sa loob ng walk in closet dahil siya daw ang nag aayos ng sarili niyang gamit. Kasalukuyang naka lock ang pintuan ng kwarto ni Kuya Jupiter kaya iniwan ko naman sa labas ng pintuan ang kanya, kaya kay James nalang.
Siya talaga hinuli mo ah.
Hindi ah, nagkataon lang. Hindi naman nakalock ang pinto niya kaya nakapasok agad ako at dumiretso na sa walk in closet niya para gawin ang trabaho ko.
I stayed inside for a couple of minutes at nang malapit na akong matapos, narinig ko ang pagbukas at sarado ng kanyang pintuan kaya mas nagmadali pa ako. Nakarinig na ako ng galaw sa labas. Pinagmasdan ko kung nasa lugar at malinis ang lahat dito bago lumabas na may hawak na malaking basket.
"Sir nag ayos lang—" Napasinghap ako nang makita ang hubad niyang katawan, "Bakit ka bugbog sarado?"
Natulala ako sa pwesto at di siya makapaniwalang tingnan. Nakasuot siyang pantalon pero dahil wala siyang t-shirt, kita ko ang dami ng pasa niya sa tyan.
Anong nangyari sa dinaanan niya? Na aksidente?
Kung nagulat man siya sa paglabas ko sa closet niya ay hindi niya 'yun pinakita dahil kaswal siyang nagstretch.
"Work." He shrugged nonchalantly while grabbing his white t-shirt on the bed to wear it and my eyebrows raised by themselves, staring at his face.
Work? Anong klaseng work ang ginagawa niya at grabe ang mga pasa niya sa katawan, "Are you an athlete or somethinig? Diba graduating ka palang?"
"You could say that." He snickered and was amused for no reason before glancing at me, "I graduated early."
Ano ang work niya at nagkaroon siya ng madaming pasa? I mean, I'm not in the position to demand answers, but if he's in danger, then it should be talked about, right?
"Anong..."
Napatagilid ang ulo ko sa gulo at tinitigan siya ng mariin— tumitig siya pabalik, "From what happened earlier, I apologize that I've overstepped some boundaries."
"Ah—" Bigla kong naalala ang nangyari kanina, masyado akong na distract sa nangyayari ngayon, na nakalimutan kong ako dapat ang humihingi ng tawad.
Sasagot na sana ako, ngunit napatigil nang tumalikod siya at nakita ko ang spot ng dugo sa puti niyang t-shirt kaya nabitawan ko ng tuluyan ang basket na bitbit. "May sugat ka!"
He stared at me before looking down his body. Tinuro ko sa kanya ang spot ng dugo sa may babang tagiliran niya kaya humarap siya sa salamin para mas makita 'iyon, then he groaned.
Is he in pain?
"Sandali, kailangan mo ba pumunta sa ospital? Magtatawag na ba ako ng ambulansya? Ano ba ang maitutulong ko?" Umiling siya at biglang napangisi kaya nalito ako habang kinukuha ang cellphone kong nasa bulsa para tumawag ng makakatulong sa kanya, "Pero 'di ba kailangan to ng stitches oh ano? Sorry, di ako marunong sa pag gamot."
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 13: Suspicious
Start from the beginning
