Strings 13: Suspicious

Start from the beginning
                                        

"Syempre, at gagawin ko parin 'yon kung kailangan." I told him and he nodded, glancing at me.

"I read your file... your parents." Napakunot nanaman ang noo ko. 

What is with about my parents this day? Ba't parang hindi humihinto ang mga diskusyon tungkol sa kanila.

The Del Valle family value privacy, pero pano yung privacy ko, namin, na nagtatrabaho para sa kanila? What about the topics we don't even want to bring out into the world? I'm starting to think that this is one-sided. 

"Oo na, wala rin akong magulang."

Nanlaki agad ang mata ko nang marealize. Putangina Scarlet, sinabi mo ba talaga 'yun? I sounded pissed off—I was, but I didn't mean to say it with so much bitterness that I forgot his mother died because of a horrific tragedy.

"James—" Bago pa ako matapos magsalita, biglang nag ring ang cellphone niya and I was about to curse from the timing and the awkwardness of the situation.

"I got it. Wait for me." Matagal siyang nakikinig at mukhang ang kausap ang madaming sinasabi at simpleng sagot lang ang sinasagot niya pabalik. After the call, sumulyap siya sa'kin ng sandali bago niya ibinalik ang tingin sa kalsada, "May kailangan pa akong daanan, I'll just drop you off in front of the house okay?"

Napatango agad ako sa sinabi niya at mas lalong naging hindi kumportable. May gagawin pa pala siya bago magiging abala pa ako. "Sige, okay lang naman kung bababa na ako ngayon. May pera naman ako pang pamasahe."

Hindi ko alam kung hindi niya narinig o pinili niyang hindi ako pakinggan dahil dirediretso lang siyang nag drive at sobrang awkward na para magsalita uli ako. 

He stopped in front of the huge gate, and when I went out, mabilis siyang humarurot paalis habang binubuksan na ang gate para sa'kin. May isang golf cart pa akong sinakyan papuntang mansyon at nagpasalamat ako kay kuya guard dahil hinatid niya pa ako. 

Pagbalik ng Mansyon, antagal kong nakatayo sa hagdan habang tinitingnan kung may kulay abo bang kotseng dadating. But then I sighed, why was I waiting for him? 

Pumasok nalang ako ng pintuan at naabutan sa entry hall si Jamie na nakaupo sa piano chair katabi ang isang gwapong matangkad na lalake, na naka man bun. 

The guy was talking to someone in the phone at nakatitig lang si Jamie dito nang napalingon siya sa pagsarado ko ng pinto, "Scarlet!"

The guy glanced at me then he resumed his business while Jamie faced me.

"Hey, Scar." 

Bumalik ang tingin ko kay Jamie nang magsalita siya, she was holding the guy's hand at nakatitig ito sa kanya habang may kausap ito sa cellphone kaya napangiti ako. 

"Sayo ko nalang hindi nasasabi, James and I will celebrate our birthday with the kids in San Raigo. Since you and Lorraine were from there, I was thinking if you would like to come? It's always me, Nanay, and my siblings, but we could always have a lending hand." 

Napangiti agad ako sa kanya. "Syempre ba! Ayos 'yan. Sasabihin ko ba kay Lorraine?"

"Oh. No need, I already told her, and she agreed. I'll inform you of the dates nalang?" She smiled, and I nodded for confirmation.

Dumiretso ako sa kusina para gamitin ang pinto pa shortcut sa bahay na tinitirhan namin pero napaatras pa ako nang makita si Ate Gie na nakatitig sa'kin sa gilid. Nakatayo siya sa daan papuntang informal dining room kung saan madilim na. Putangina, nag mumukha siyang multo.

"May gabundok na damitan ang kailangan mong ibalik sa mga cabinet nila, ayusin mo 'yun." Ang sungit naman. 

Umalis na siya bago pa ako makasagot kaya tumango nalang ako sa sarili ko, nasa menopausal stage siguro ang babaeng 'yun at palaging mataray. 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now