Strings 13: Suspicious

Start from the beginning
                                        

"Hindi na nga po kailangan. Alis na po 'ko!" Hindi ako ma yakap kaya nginitian ko nalang si Nana bago lumabas. She looked like she wanted to say something pero tumalikod na'ko.

Malayo pa ang lalakarin ko papuntang labasan para maka abang ng mga dumadaang jeep. Habang iniinom ang dutchmill na kinuha ko sa tindahan, napansin kong dumadami na ang tao dahil alas syete na, madaming umuuwing estudyante at mga nanggaling sa trabaho.

Habang naglalakad ay may napansin akong itim na sa sasakyan na mabagal ang andar papunta dito. Nakatitig ako dito at bigla akong nanlamig sa katawan. I ended up thinking of kidnapping scenes in movies, nang may biglang nag overtake na kulay abong sports car at tumigil sa harap ko.

"Gago putangina nagulat ako." Napahinga ako ng malalim at tiningnan ng masama ang sasakyan sa harap ko. 

Muntikan na akong tumili sa gulat! Muntikan na akong maihi sa mga pinagiisip ko nang biglang bumaba ang bintana at nagulat ako nang makitang lumabas dito ang ulo ni James para kawayin ako.

"James? Ay, Sir? Bakit kayo nandito?" My heart literally stopped. Simula nang nag usap kami, nawala siya ng ilang linggo at ngayon ko lang ulit siya nakita, dito pa sa kalsadang 'to.

"I was near the neighborhood and I saw you." He smirked at napataas ang kilay ko sa gulat. 

"Talaga? Anong ginagawa niyo rito?" I looked around our area at napansin na ang mga tao na nakikichika sa mga nangyayari. Mga tumpok ng mga marites na nakatayo sa gilid ng kalsada at ang mga teenagers na di nalalayo sa nag bbarbeque. 

Agaw pansin din naman kasi ang kotse niya, halatang hindi taga rito.

"Business. Pumasok ka na, sabay ka na sa'kin pauwi." Bumalik siya sa loob at binuksan ang pintuan sa passenger seat at na estatwa pa ako dahil hindi alam ang gagawin.

"A-ah." Medyo nag alangan pa'ko hanggang sa may batang naka bike na dadaan, at dahil naka harang ang bukas na pintuan sa kotse ni James, tumakbo na ako papasok para saraduhin ito at hindi siya matamaan.

Makakalibre ka na nga ng sakay Scarlet. 'Wag kang choosy. 

Tumingin ako sa kanya. He's wearing a white t-shirt underneath a blazer, and he looks so expensive with those pieces.

Inaayos ang seatbelt ko at nagtatakang tumingin sa kanya dahil antagal naming umalis, sumulyap ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa itim na kotseng lumagpas sa'min. Napatingin din ako, walang plate number ang sasakyan kaya kumunot ang noo ko. Pwede ba 'yun?

The hairs on my neck stood with the way James stared at the car... He looked scary, murderous in a way. Ginasgasan ba ang kotse niya ngayon at ganyan siya makatingin.

Nang mapansin ang titig ko ay lumingon siya sa'kin at ngumiti. Suddenly, his whole dark vibe vanished from his eye smile, but something tells me that's something's off, "Bakit ka pala umuwi?"

Napatingin ako sa direksyon ng bahay namin at itinuro 'yon. "Bumili lang ako ng grocery kilala Nana at binigay ang sweldo ko."

He nodded and began to drive away from the place. Nakatingin lang ako sa labas dahil 'di ko alam kung ano pa ang gagawin ko. "What do you think about them?"

"Ha? Kanino?" I asked, confused.

"Your mother, your Nana, what do you feel about her?" Litong lito akong napatingin sa kanya at nakatingin lang siya sa kalsada habang nag ddrive.

Anong klaseng tanong 'yan? Uhh mahal ko siya? "Para saan 'tong tanong mo, Ser?" 

"You stopped everything in your life for her. She must be really important." Ansakto naman nito sa mga pinaguusapan namin ni Nana kanina.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now