Strings 13: Suspicious

Start from the beginning
                                        

My room consisted of a single bed na nakagilid sa may bintana, katabi nito ang isang desk kung saan nakalagay ang shelf ng ibang libro, corkboard kung saan nakapaskil ang iba kong designs, a small sewing machine underneath the table, at isang cabinet sa kabilang dulo.

Remembering her words about my parents, hinalungkat ko ang cabinet kung saan ko nilagay sa pinakadulo ang maliit na kahon kung saan ko tinatago ang mga bagay tungkol sa mga magulang ko. 

I smiled bitterly at the box.

I keep saying that I have no interest in anything having to do with my biological parents, pero itong kahon na 'to ang sumisimbulo na may pakialam pa rin ako.

I slumped on the floor and sneezed from the dust that accumulated through time at pinagpag pa ang kahon bago ko man buksan. Naubo pa ako, "Gago."  

Napatitig ako sa maliit na pulang pulseras na nag e-exist simula pa noong sanggol pa ako. Nana told me that this was from my parents, and in tradition, they told me that the purpose of the bracelet was to ward of evil. If my parents gave this to me, it meant that they did care. 

Pero hindi ko kasi makuha, hindi ko alam kung bakit wala man lang paliwanag ang pagiwan nila sa akin. 

I caressed the little gold pendant in the middle and stared at how old the once beautiful bracelet was. The belief of warding evil spirits with this bracelet is not a common belief among Filipinos. With that fact, naisip ko narin na siguro ay may halo akong ibang lahi dahil may features ako na hindi naman typical filipino.

Nilabas ko ang mga nalumang papel sa tagal ng panahon na kasama sa karton—Mga sketches ng mukha ng aking mga magulang na ginawa ko dati. 

I used to ask Nana to describe how they looked and what their features were. I tried to draw what she said they looked like. At least man lang kahit papano alam ko mukha nila diba?

If they look like these, hindi ko kamukha ni isa sa mga magulang ko. My father has long black hair, a beard, prominent eyebrows, a small set of eyes, and a chiseled face. My mother has natural curly hair, a set of brown doe eyes, a rounded face, and a tall nose. Siguro kung pinaghalo talaga silang dalawa oo. I have a set of waves, my father's face structure, and my mother's eyes and nose. 

"Hindi lang kasi pagtigil ng kolehiyo ang problema, pagtigil ng pangarap mo anak." Nagulat ako nang biglang binuksan ni Nana ang pintuan kaya mabilis kong binalik sa cabinet ang mga nailabas para hindi niya makita.

Putangina, sira ba yung lock ng pintuan ko? I looked anxiously at the door with regret.

Tingin ko tatagal pa ang litanya ni Nana sa'kin eh, "Na, di po ako tumigil. Delayed lang ng slight. Wala naman po akong finish line na hinahabol."

What is it with stopping school? 'Di naman ako mamatay. Tumayo nalang ako at nilagpasan si Nana para puntahan si Ate Beauty na nasa loob na ng tindahan.

"Anak tinatakasan mo nanaman ako eh." I hear her sigh and I didn't look back. I can't... hindi niya ako iniintindi eh, ito nga ang gusto ko.

Tumambay ako ng matagal sa tindahan para makipag usap kay Ate Beauty na kahit alam kong kating kati na siya magtanong sa nangyari kanina, hindi siya nagsalita.

Nakapwesto lang ako sa tabi niya hanggang sa napansin kong dumidilim na kaya nagpaalam na ako. "Ihahatid na kita sa sakayan ala syete na." Bumaba siya sa stool na inuupuan niya at umiling agad ako.

Kumuha ako ng dutchmill sa ref at dumiretso na sa may pintuan para suotin ang sapatos ko, "Ate hindi na kailangan."

"Sandali hintayin mo ko." Tumakbo si ate papunta sa kwarto niya pero ngumiti lang ako. Nakakalimutan ata nilang gawain kong umuwi dati pa. Wala namang mangyayari sa'kin.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now