Strings 27: A Del Valle

Start from the beginning
                                        

"Okay ka lang ma'am? Gusto niyo ba ng doktor?" Tanong ng agent sa passenger seat at napailing ako.

Baka may importante pa silang gawain imbis na bantayan ako, kaya lumabas na ako ng kotse at tumambay sa mismong labas para hintayin si TJ na bumalik. Pero isang oras na ata ako nakatayo rito, wala parin siya.

Nalaman ko na ang lola nila ay umalis mismo para asikasuhin ang mga nangyari, habang ang tatlong kapatid na Del Valle at si Gabriel ang nakasalubong kong naghihintay sa sala nang mapagdesisyunan kong pumasok sa mismong mansyon.

"Scarlet, where are they?" Jamie asks while Gabriel follows on her back.

Napalunok ako. "Bumalik sila sa pier, may aasikasuhin raw."

"Where did you go?" Sunod niyang tanong at alam ko agad ang tinutukoy niya. TJ left them, went towards me, and we proceeded to leave the boat.

Bumukas ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas. Natagalan ako sumagot kasi hindi ako sigurado kung bakit nga ba talaga kami umalis at kung dapat ba nila malaman ang safehouse.

Iniligtas naman ako sa humahabang katahimikan nang may sumagot para sa akin.

"It's confidential, Jay." Kuya Jupiter enters with Hera.

"Kuya!" Jane screams as they all move and hug each other. Gumilid ako para bigyan ng espasyo ang magkapatid.

Tumabi sa akin si Hera at humalukipkip na parang wala siyang pakealam sa nangyayari.

Umirap si Jamie, "There you go again with the confidential excuse. Was James leaving also confidential?"

"Yes." TJ enters, and my heart leaps from seeing him safe.

My eyes scans his body as his sibling move to hug him. Wala naman akong nakikitang bagong sugat.

"James! What happened? Why did you leave? I was calling for you!" Biglang bumuhos ang luha ni Jamie, out of relief, out of the terror, or both. "Don't ever do that, ever again!"

Sumakit ang puso ko para kay Jamie pero nahigit ko ang aking hininga ng yakapin niya si TJ banda sa kanyang sugat.

Hindi siya nagpakita ng kahit anong sakit, kahit na mas humigpit ang yakap ni Jamie. Hinalikan niya ito sa noo. "I'm here Jamie. I'm here."

"Who were they, kuya?" Jane whispered while tears were also in her eyes.

"It's confidential—"

"No. You don't get to do this. You don't get to leave me out of this." Jamie interrupts her twin and walks away, nang nakalayo ay minata niya ang dalawang kapatid. "Follow me."

They eyed each other before the two older Del Valle followed their sister. Gabriel sighs and sits down. Hera walks away from us to I don't know where, while Jaceon and Jane stare at their siblings going inside the salon.

Dahan dahan akong umalis, nang nawala ako sa paningin nila—tumakbo ako papunta sa hardin, going straight towards the floor to ceiling windows.

Pagkarating ay narinig ko ang pag sarado ng kurtina at ang boses ni Jamie.

"What happened?" Jamie starts her question. "Who were those people?"

No one answers her, and she groans out of frustration.

"Why do you guys keep doing this to me?"

"What are you doing?"

Nanlaki ang mata ko at napalingon sa likod para makitang nakatayo si Jane at Jaceon, na pinanlakihan ako ng mata.

Itinaas ko ang daliri ko para patahimikin sila at lumingon sa bintana. Wala namang senyas na narinig ng tatlo ang kanilang mga nakababatang kapatid.

Bumulong ako, "Hindi ba unfair na hindi niyo alam kahit parte kayo sa mga nangyari?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now