Strings 27: A Del Valle

Start from the beginning
                                        

Lumapit siya mula sa likod ng couch, at itinagilid ang ulo habang tinitingnan ang drawing ng babae.

"Hmmm, interesting." Kuya Jupiter mused.

Nang iniharap niya ang drawing papunta sa amin, pinigilan ko ang pagtawa dahil mukhang seryoso si Hera sa gawa niya. Sinubukan niyang kunin ang mga detalye hangga't maaari pero hindi talaga tama. Malapit na sa stickman ang drawing niya na pinilit lang ang human features.

"Hera, a kindergartener can do much better than this," TJ muttered.

Tumahimik kaming lahat habang nakatulala sa papel na hawak ni Hera.

"Subukan ko," I muttered, breaking the silence.

Hera threw her paper back on the table. "Okay, let the talented one do it."

"Did you see him?" Kuya Jupiter asks.

Tumango ako, "Nakita ko siya ng malapitan..." Lumipat ang tingin ko kay TJ, naalala ang pagkatutok ng baril sa ulo niya.

Napalunok ako at tumayo. Kumuha ako ng papel at lumabas sa likod ng bahay dala ang isang kandila.

Hindi ako komportable makita ng iba ang proseso kung pano ako gumawa, at ang tensyon sa katawan ko kapag inaalala ang lalake.

Ilang minuto rin ako nilalamok rito nang maramdaman ang pag tapak ni TJ sa likod ko. I know for a fact he walked loudly so I could hear him getting near.

"Are you good?" Rinig kong salita niya mula sa likod ko. Looking at me and the paper I'm drawing on. I was still outlining the man's face shape.

"Oo."

He sighs, "You don't have to do this."

Leave it to TJ to know what I truly feel.

"I'm just drawing his face. No problem." I say, but every time I sketch a line, I go back to that awful place—His eyes with murderous intent, his gun on James' head, his smile disgustingly looking at me up and down, speaking of an ultimatum I couldn't and wouldn't refuse, the sound of the gun firing.

My hands shook, and I gripped the pencil harder, but I didn't stop. I had to do this.

Umupo si TJ sa tabi ko at sinamahan akong pagdaanan ang aking pakiramdam.

The moment I was finished, I stared at the replica of the man behind my terror. Hindi nagsalita si TJ at inaabangan lang akong nakatitig sa nagawa ko.

"Kilala mo ba siya?"

There were a few seconds of silence before he answered my question. And I think he contemplated if he should say anything to me.

"He's an Itasaki member..." Tumango ako pero napalingon nang ituloy niya ang kanyang sinasabi, "He's one of the people behind what happened fifteen years ago."

Nahulog ang panga ko at nakatulala parin sa kanya nang dumating si Hera sa likod namin, iba na ang suot at tuyo na ang kanyang nakalugay na buhok.

"Captain, backup has arrived. We have to go."

Tumayo si TJ para umalis pero hindi ako nakasunod agad dahil sa dalawang bagay. Una, dahil ang lalakeng nakaharap namin kanina ay isa sa mga taong may kasalanan sa nangyari sa kanila dati. Pangalawa, ay dahil sa pagtawag ni Hera sa kanya.

Ngayon ko lang na-realize—Akala ko nickname lang ang cap na tinatawag nila sa kanya, but what they meant was captain?!

I didn't think about it earlier because countless things were happening.

Thinking about it now made my jaw drop.

Cap. Captain. 

He's their captain.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now