Strings 21: Training

Start from the beginning
                                        

The third time's closer. Natamaan ko na 'yung gilid.

"Again." Parehas ang nangyari, natamaan ko na yung target pero malayo pa rin sa gitna. "Again."

Again. Again. Again.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal pero napatigil ako nang marinig ang malakas na kulog ng langit. "Ser, paano 'yan parang uulan na?"

"Focus." He commanded, giving my hips another squeeze and me automatically fixing my stance. "You're not always going to be in ideal conditions when you're defending yourself. "

Grabe naman si James, kailan ko ba kakailanganing protektahan sarili ko? I'm a broke fashion designer student.

But still, I indulged his teachings kasi kailan pa ba ako magkakaroon ng ganitong opportunity? Hindi naman everyday tuturuan ka ng boss mo kung paano bumaril.

"Lahat ba kayo marunong nito?" Tanong ko habang paupo sa monoblock chair na nakakalat. Pinatigil niya na ako nang sumakit na ang katawan ko.

"Sino?" Sumulyap siya sa akin na minamasahe ang sarili kong pulsuhan. Ang sakit sa pulso at sa braso pero nakaka-addict pala. Nasa sistema ko pa rin ang kagustuhang pag aral ng pag gamit ng baril.

"Kayo ng mga kapatid mo." pag linaw ko.

"Well Jaceon's a damn good shooter, he's better than me at least...but no. They train with self-defense but regarding gun training, currently, the girls don't." Kibit balikat niya at kumuha ng sarili niyang upuang pwinesto niya sa tabi ko, sabay unat ng binti nang makaupo. "They don't need to, we make sure they're protected 24/7."

They're? Bakit hindi niya sinasama ang sarili niya sa mga taong kailangan protektahan?

"Yung mga agents niyo... dito rin ba sila nag t-train?" Kasi ang lapad ng lupain dito.

"You have too many questions, Scarlet Hope Salvacion." Sabi niya at ngumisi ng nakaka-asar. "And no. I have other, more productive ways of making my agents miserable."

The side of my mouth raised. He's funny in that dark way of his—pero may isang bagay siyang sinabi na nakakuha ng aking pansin...sabi niya 'my agents'. Siya ang boss.

Sabi ko pa nga eh!

"And this is not a Del Valle property. The Gonzalez owns this shooting range." Dagdag niya sa sagot niya sa tanong ko.

Huminga ako ng malalim at tiningala siya. "Sir pwede ba ako maging honest?"

"Shoot." Tinaasan niya ako ng kilay.

Antagal naming sumasayaw sa topic na 'to. He teases me with information and I lap up crumbs he leaves, with both astonishment and fear. "Sir...'wag na tayo mag bullshitan. Alam ko, na alam mong alam ko ang mundong pinagtatrabahuhan niyo."

Tumawa siya. Tawang nag eecho sa buong lugar. Tawang mahihiya ang putok ng baril sa lakas. "Wow hard-ass." Mangiyak ngiyak niyang sambit habang pinupunasan gilid ng mata niya.

"Ano ba talaga ang trabaho mo?" Mapilit at nagtataka kong tanong sa kanya.

Tumaas kilay niya at ngumisi. "That's classified. But let me tell you this—I have missions to protect and save people. You can call me Superman."

"Putangina?" Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi.

Tumawa nanaman siya at itinagilid ang ulo habang tinitingnan ako. "What I do...think of the most frightening action movie you watched and multiply it by a hundred."

Nahulog ang panga ko.

"It's part of a Del Valle's tradition." Bulong niya at tumingin sa malayo.

What exactly does being a Del Valle mean? Parang ang apelyido na 'to ay may kaakibat na responsibilidad na hinding hindi mo matatakasan. 'Yun ang napansin ko sa mga kwento at kung paano umakto ang mga magkapatid.

"...Lahat ng mga kapatid mo?" Hindi ko mapigilang tanungin dahil sa sinabi niya.

Bumalik ang tingin niya sa'kin, mga mata ay mariin na nakatingin. Hmm, he looked like he didn't want to answer that question. "Classified. But if they don't want to, we don't force them to."

Naisip ko ang mga nakababatang kapatid niya, "Paano kung bata pa lang gusto na nilang sumama sa inyo? Si Jaceon? Si CJ?"

Inabot niya ang baril sa lamesa at pinaikot ikot ito sa kamay na parang laruan bago nilapag uli. "Age shouldn't be an excuse. I have been training since I first used the gun because I needed to protect the people I cared for."

"Simula nung eight ka?" Tiningnan ko siya habang inaayos niya uli ang mga baril sa briefcase.

Hindi siya sumagot at tumawa lang. "You really have too many questions, Scarlet."

"Pero ibig sabihin ba totoo sila? Mga yakuza, mafia, the cartels lahat ng mga 'yon, totoo?" Tanong ko habang sinusundan ang tingin sa kanya na tumatayo mula sa upuan.

Dati nag google search ako sa related topics tungkol sa mga Del Valle at mga sindikato, pero dahil artista si Jaceon, ang mga top articles ay tungkol sa kanya. Sunod naman ang mga business nila. Kahit gaano ka lalim ang pag imbestiga ko sa internet, ang lumalabas na medyo may koneksyon ay ang security agency nila at mga balitang tumutulong sila sa mga hindi natatapos na kaso ng pulisya.

"Yes, but you don't have to worry about them." Kumindat siya at hinawakan ang ulo ko. "We work hard so you can sleep safe at night, Pag-asa."

I snorted at itinaboy ang kamay niya. "Putanginang Pag-asa, ginawa mo naman akong administrasyon."

"Then you should know we should go back because it would likely rain." He grunted, stretching his back while looking at the darkening sky.

Napaiwas ako ng tingin nang tumaas ang t-shirt niya sa ginawa. Naalala ko ang katawan at likod niya na puno ng peklat.

Bumuntong-hininga ako, oh TJ anong ginawa ng mundong 'to sayo?








¯\_(ツ)_/¯

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now